13/11/2026
POV: Sa tomato trading, malaking bagay ang MABILIS KAUSAP. 😊✌️
Mabilis ang usapan, mabilis ang bentahan, mabilis ang ikot ng puhunan. At higit sa lahat, parehong may pagkakataong kumita. 🍅
Madaling sabihin na binabarat ng trader ang farmer kapag mababa ang bili. Pero paano naman kapag binili sa mataas na presyo, tapos pagdating sa bagsakan ay bagsak na ang market?
Paano kapag hindi pasado ang quality, nasira o nabulok ang produkto sa biyahe, nadagdagan ang gastos, o hindi nakolekta ang bayad sa buyer?
Hindi lahat ng trader ay kumikita sa bawat transaksyon. Ganoon din naman ang farmer—hindi lahat ng ani ay nababawi ang puhunan.
Parehong may kapital, pagod, gastos at risk na hinaharap. Magkaiba lang ang parte natin sa negosyo.
Farmers and traders are partners in the supply chain. Kailangan natin ang isa't isa para umikot ang kalakalan.
Hindi araw-araw paldo. Hindi lahat ng transaksyon panalo. Ang mahalaga, marunong tayong makipagkapwa at magpatuloy sa negosyo.
By the way, sa mga farmers na nakausap ko kagabi, may libreng sibuyas at bawang kayo sa next hakot natin. 😊🧅🧄
Padayon, farmers and traders! 💪🍅
Salamat sa Diyos!🙏