Mj World - Personal Vlog

Mj World - Personal Vlog Personal Vlog - Working Girl

28/06/2025

Long post ahead!

Scroll down if tinatamad ka magbasa!

Read if chismosa ka! Echo's lang !, pero I'll make it sure may mga makakarelate at meron din nmn cguro mapupulot na motivation, specially dun sa mga students ngayun na from province at may pangarap sa buhay!)

Sa dami ko ng experience sa pagiging office staff until na reach ko ang position ko sa office right now at sa ibat ibang companies, narelized ko ,halos pare pareho lang ang mga terms at paperworks na ginagawa ko. Naisip ko lang, bakit di nalang kaya direct maituro sa mga students nowadays kahit ang mga basic terms at actual na maiencounter nila in the future specially pag gusto nila pumasok as office staff!

Dati, isa sa mga ambition ko is to become a teacher. Kasi noon pa man , gusto ko kasi na yung kukunin ko sanang course is makakatulong din sa iba, yung pwede ko maishare ang knowledge ko. Higit sa lahat, yung pagiging teacher is an stable job na din at malaki sahod offcourse with benefits pa ! Kaso lang, sa hirap ng buhay namin noon sa probinsya , high school graduate lang ang natapos ko! Pinangarap ko noon ang pumunta ng Maynila at dito makipag sapalaran kasi bata pa lang talga yun na talaga ang ambisyon ko . Sabi ko noon, di bale ng di ako yayaman, basta kahit papanu, wag ko lang iparanas sa magiging anak ko ang buhay na dinanas ko noon! .

After ko mag graduate ng high school noon, namasukan muna ako bilang kasambahay sa city namin, and take note , wala ako halos sinasahod noon, or wla halos natitira sa sahod ko dahil may mga times na pumupunta dun ang nanay ko para mag advance . . Namasukan din ako sa canteen noon sa pabrika namin, pero still di yun naging sapat sa akin kaya nun time na yun, buo ang loob ko na lumuwas ng Maynila eventhough , that time may 7mons boyfriend ako noon sa amin na botong boto ang nanay ko. Nun time na yun, i choose my ambition over my bf (in my mind, eh saka nalang mag seryoso, bata pa naman ako, saka di nmn na sya first bf ko(5th) importante, ang bataan dhai, di pa naisuko kaya wla nmn mawawala sayo hahaha ).(Girls, ganito dapat ka strong ang mindset nyo pag may goal kayo.)Chosss

Fast forward, hayun na lumuwas ako ng Maynila ! Dun ko narealized, grabeh lang pala expectations ko versus reality ! Expectations ko noon, napapanood ko sa tv ang lalaki ng buildings at ang gaganda ng mga rooms pag sa manila. Mali pala ako, dahil sa sobrang laki ng cost of living dito, isang maliit lang na kwarto ang afford mo matirhan pag nandito ka. Mas malaki pa ata ang kusina ng kapitbahay namin sa probinsya hehe .

Anyway,at first pa lang, namasukan ako katulong kasi yun lang din ang alam kong trabaho . Another expectations n naman ang failed, ( akala ko nga din may uniforms ako ng pagiging yaya na gaya sa napanood ko sa tv, wala nmn pala, naisip ko noon, kahit yun cguro that time, feeling ko, maging proud na din ako .Ang babaw lang tlga ng kaligayahan ko. Hehe )

Ilang years din ganun naging routine ko sa work ,hanggang nakitaan ako ng potential ng boss ko at nagtrain ako bilang office staff. That time , nag working student na din ako. Sa isang institutional school na una ko pinasukan,ay unang kinuha kong course ay computer science. Then, after that, huminto ako dahil di ko pala gusto ang course na yun . Nag shift ako sa accounting and then nag enroll ako sa isa sa mga kilalang chain of university sa Manila.

Halos 10yrs din ako sa ganun set up, suddenly, narealized ko parang wala pa din nagbago sa buhay ko. May times na sobrang upset na ako sa sarili ko. Hanggang sa sinubukan ko maging independent sa buhay . Dun ko narealized grabeh pala ang competition pag nasa real world kana, pag mahina ka, talo ka.

Ang taas ng requirements sa Pinas with regards sa employment . Buti nalang may mga employer pang naniniwala na wala sa pagiging graduate nasusukat ang kakayahan ng tao ! And here I am now, . Di ako nakapagtapos ng college but I can say na full of experience na din ako in relate sa present Job ko.

So back from my first sentence , naisip ko lang,bakit pahirapan pa ang mga applicants and students nowadays kung pwede naman ituro nalang sa kanila ang mga basic terms kung panu ang work as office staff. ( Because I know sa pagiging office staff, madami din jan ang gusto ng office staff position based on my experienced kasi madami ako kasabayan before na nag aapply as office staff).

Please don't get me wrong. This is not to encourage those students para di i pursue ang studies nila. But why not giving a chance to those who are deserving but not capable para makapagtapos ng college specially with regards to financial aspects. ! So, why not share to them yung mga basic terms and things na I think that will help them to improve their knowledge and know what's the common practice inside the company ..

Follow for more....

Address

Tanza Cavite
Tanza

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mj World - Personal Vlog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category