Rinas houewives

Directions

Rinas houewives Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Rinas houewives, Grocers, Santiago.

10/09/2026
10/09/2026

HINDI LANG REGALO—PANIMULANG KABUHAYAN PARA SA MGA BATA šŸ·šŸ”

Hindi cellphone, laruan, o mamahaling gamit ang inihandang graduation gift ni Teacher Jeric Maribao para sa kaniyang mga pupil sa Misamis Occidental.

Sa viral video na ini-upload noong April 14, 2025, makikita ang mga batang nakasuot ng graduation toga kasama ang kanilang mga magulang. Isa-isa nilang tinanggap ang mga biik at manok na inilagay sa mga kulungan.

May malinaw na dahilan si Teacher Jeric sa pagpili ng kakaibang regalo. Gusto niyang mabigyan ang mga bata at kanilang pamilya ng alagaing maaari nilang palakihin at gawing panimulang kabuhayan.

Una niyang naisip na magbigay ng kambing, ngunit pinili niya ang mga biik at manok dahil mas madali raw itong alagaan at pakainin sa kanilang lugar.

Hindi rin natapos sa simpleng pamimigay ang kaniyang ginawa. Nagkasundo sila ng mga magulang na hindi agad ibebenta ang mga hayop. Buwan-buwan din niyang kinukumusta ang kalagayan ng mga ito, at may group chat sila kung saan maaaring humingi ng tulong kapag nagkasakit ang biik o manok.

Nagsimula ang advocacy ni Teacher Jeric noong panahon ng pandemya. Biscuits muna ang ibinibigay niya upang mahikayat ang mga bata na pumasok, bago niya ito pinalawak sa libreng almusal at iba pang pangangailangan ng mga mag-aaral.

Sarili niyang pera ang unang ginamit niya, hanggang sa may mga sponsor mula sa Pilipinas at ibang bansa na tumulong upang maipagpatuloy ang programa.

Minsan, ang pinakamagandang regalong natatanggap sa graduation ay hindi iyong agad nagagamit—kundi iyong maaaring lumaki at makatulong sa buong pamilya.



SOURCE

ABS-CBN News

Address

Santiago
3311

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rinas houewives posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category