25/09/2026
⚠️ PAALALA SA MGA SMALL BUSINESS OWNERS ⚠️
Share lang po namin ito bilang awareness at paalala sa mga kapwa natin tindero at business owners. 🙏
May nangyaring kahina-hinalang transaction sa aming tindahan ngayong umaga Around 9:40 am 09-25-26 na muntik nang magresulta sa malaking pagkawala ng pera. Mabuti na lang at napansin namin agad ang ilang bagay bago tuluyang mangyari ang transaction.
Important note: Camera 1/front camera lamang po ang naka-record noong oras na iyon. Nakimutan i-on ang Camera 2 na nasa loob ng store, kaya wala po kaming actual CCTV footage ng mismong pag-uusap at transaction sa loob.
Hindi po namin ito ipinopost para manghusga o mag-akusa ng sinuman. Gusto lang po naming magbigay ng awareness para mas maging maingat at mapagmatyag ang ibang small business owners sa bawat transaction, lalo na kapag malaking halaga ang involved.
🙏 Maging alerto, mag-double check, at huwag agad magtiwala sa transaction kahit mukhang normal.
Kung may nakakakilala o may relevant na impormasyon tungkol sa pangyayaring ito, paki-message na lang po kami privately.
Awareness po, hindi panghuhusga. ❤️
Ingat po tayong lahat, lalo na tayong maliliit na negosyante na pinaghihirapan ang bawat kinikita. 🙏