10/11/2024
BRIGADA PUBLIC SERVICE
PANAWAGAN: WALLET NA KULAY MINT GREEN NA MAY HELLO KITTY NA KEYCHAIN AT SALBABIDA, NAIS MAIBALIK NG MAY-ARI
Nananawagan ngayon si Jovelyn "Ate meng" Libok, isang estudyante sa kung sinoman ang nakadampot ng kanyang wallet na kulay mint green na may keychain na salbabida at hello kitty ay paki-sauli na lamang dito sa himpilan ng Brigada News Fm Brooke's Point o kaya naman ay kontakin na lamang sya sa numerong ito 0916-683-7054.
Ayon kay Meng, ang wallet ay naglalaman ng mahahalagang gamit tulad ng gold necklace heartshape pendant, Red Cross ID, Sukicard ng Palawan Pawnshop, Prince Hypermart card, pictures at may pera na nagkakahalagang 3,800pesos.
Ito daw ay nahulog o nawala sa baybay harap ng Food Court sa Pamilihang bayan ng Brooke's Point, sa pagitan ng 7:00pm hanggang 8:00pm ng October 9 2024.
Nakikiusap syang maibalik sa kanya ang nabanggit na wallet dahil ang perang laman nito ay allowance nya pa papuntang eskwelahan at pambiling pagkain.
https://www.facebook.com/atebhie1