31/03/2024
"SAD BUT TRUE"
pagdadaanan mo kung paano GUMUHIT ang ENTRY NAME mo sa DERBY, pag dadaanan mo maging CHAMPION at pag dadaanan mo ang ma ZERO.
Wag puro kwento.
Lumaban ka kasi hindi na rason ngayon na
"breeder lang ako"
"galing sa big time ang materyales ko"
"mahal ang bili ko dito"
"hindi ako nagsusugal"
"priority ko ang benta"
Ang Achievement ng pinangalingan ng materyales mo ay HINDI MO ACHIEVEMENT. Sinemento nila. Yan mula sa hindi mabilang na laban. HINDI KA NILA KASAMA.
Gawa ka ng sarili mong PANGALAN.
Maraming PROMOTIONS ngayon na hindi mo kailangan ng malaking puhunan, ung iba ibon ibon lang pero ang premyo malaki o milyon pa.
Maniwala ka sa SIPAG at TYAGA pero mas maniwala ka sa sariling GAWA.
Sad truth... Kahit mahal materyales mo, kahit mahal ang patuka, kahit maganda ang pagpapalaki mo.
Hanggang wala kang napatunayan, sa mata ng mas nakakarami, marurunong at totoong hasa sa pag iibon wala kang karapatan mag dikta ng presyo.
Nakakalungkot pero yan ung totoo.
Kaya tyagain mo na LUMABAN, hindi lang para sa VALIDATION NG IBANG TAO, KUNDI PARA SA FULFILLMENT MO BILANG mag kakalapati
eto ay sports na ang binibilang ay ang "W", hindi ito FASHION SHOW at STORY TELLING.
Ctto