08/10/2026
Magandang Buhay mga Kasapi! 😊🌾🐟
Kami po mula sa pamunuan ng CK-PLUS MPC.
Makikiusap lang po sana kami sa lahat ng ating mga miyembrong Farmers at Fishermen na kung kayo po ay may RSBSA Registration o RSBSA ID, maaari po sana itong picturan at i-send dito sa ating Messenger.
Ito po ay hinihingi ng Department of Agriculture (DA) sa ating koop. Makakatulong din po ang inyong RSBSA record upang maitala ang ating mga active farmers at fishermen at malaman kung sinu-sino po ang maaaring mangailangan o makinabang sa mga programa, tulong at suporta ng DA at ng ating pamahalaan.
Malaking tulong po ang inyong pakikiisa. Kung mayroon po kayo ng RSBSA Registration o ID, paki-send na lamang po dito sa Messenger.
Maraming salamat po sa inyong oras, suporta at pakikipagtulungan! ❤️🌾🐟
Send a message to learn more