24/04/2024
MGA BAWAL KAININ KAPAG MAY "ALMORANAS"
1. Kumain ng mga pagkain na mataas sa fiber. Bisitahin ang pahinang βMga pagkain na mataas sa fiberβ sa Kalusugan.PH para malaman kung ano ang mga ito. Sa madaling salita ang mga ito ay ang mga gulay at prutas
2. Uminom ng maraming tubig. Dapat hindi kukulangin sa 8 na baso ng tubig bawat araw ang iyong inumin upang hindi tumigas ang dumi.
3. Iwasan ang kape at alak, at iba pang mga inuming may caffeine at alcohol. Oo, ang pag-inom ng kape at iba pang mga inuming may caffeine ay pwedeng makasama sa almoranas sapagkat nakakaapekto ito sa natural na paggalaw ng ating bituka. Gayun din, ang pag-inom ng alak ay hindi nakakabuti sa almoranas.
4. Kapag nakakaranas ka ng pagdurugo sa iyong almoranas, iwasan din ang pagkain ng spicy o masyadong maanghang na pagkain sapagkat nakakairita ito sa mga sugat. Subalit, mahalaga ring sabihin na ang pagkain ng maaanghang ay hindi sanhi ng almoranas.
5. Dapat hindi masobrahan sa karne at kanin. Ang mga ito ay mababa sa βfiberβ at nakakapagtibi. Itoβy dapat bawasan o βdi kayaβy tapatan ng tamang dami ng gulay upang maging balanse ang pagkain at hindi ito makapagpalala sa inyong almoranas.