06/11/2026
SINO PO BA SI KA ITONG?
Siya po si Tatay.🤍✨
Siya ang nagsimula ng lahat , Siya ang nagturo sa amin kung paano pumili ng magandang klase ng malagkit, at bigas ,para Sa MGA kakanin na ginagawa namin at kung paano magluto na may pagmamahal at walang shortcut.
Kaya hanggang ngayon, kahit wala na siya, siya pa rin ang pangalan ng bawat kakanin na binibili ninyo.
At ito ang habilin niya na hindi namin kakalimutan at ipinagpapatuloy
"Kung saan tayo nakilala ng mga customer, lalo na sa mga gawa nating Bibingkang Kanin, Pinipig, Sapin-Sapin, Espasol, Kalamay at mga Suman, yan na ang ipagpatuloy ninyo. At huwag na huwag ninyong titipirin at babaguhin ang timpla."
Kaya kapag tinikman ninyo ang kakanin namin, tikman ninyo — timpla pa rin ni Ka Itong. Same lasa, same pagmamahal.
Maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik, mga suki! 🙏
Ka Itong San Vicente Rice Cake — EST. 2006🤎
📍 Science City of Muñoz, Nueva Ecija