17/07/2026
Naaalala ko pa noong ipinagbubuntis pa kita, anak. Sobrang hirap, pagod, at stress ang pinagdaanan ni Mommy. Dumating pa sa puntong sobrang kinabahan ako noong malapit na kitang ipanganak dahil biglang tumaas ang blood pressure ko. Kung anu-anong gamot at turok ang ibinigay sa akin.
19 hours akong nag-labor, tapos bigla akong sumailalim sa emergency CS. Isa iyon sa pinakamahirap na laban ng buhay ko. Pero salamat sa Diyos, nairaos kita nang ligtas at isinilang kang malusog. 🥹🫶🏻
At ngayon, parang kailan lang... "Time flies too fast." 🥺 4 months ka na agad, mahal ko. Araw-araw kitang mamahalin at ipagpapasalamat. Ikaw ang pinakamagandang biyayang natanggap ko.
Happy 4 months, baby. I love you so much. Love na love ka ni Mommy. 😘🤍