13/12/2025
Hanggang kailan mo titiisin
ang bigat na hindi mo na kailangang pasanin—
ang katahimikang kumakain
sa bawat paghinga mo,
ang sakit na paulit-ulit mong hinahabol
kahit matagal na nitong iniwan
ang dapat mong katahanan?
Hanggang kailan mo hahayaang
gawing tahanan ng pagod
ang puso mong matagal nang
naghahanap ng pahinga?
Hindi ba’t may mga pintong
hindi na dapat isarado
dahil mas nararapat nang
iwanan mo ang dilim?
At kung sakaling mapagod ka na
sa pagbalik sa hindi bina-balik,
sa pag-ibig na hindi ka kayang buhatin—
sana maalala mong
hindi sukatan ang pagtitiis
para masabing mahal mo.
Minsan,
ang pinakamagandang tapang
ay ang magsabing:
“Hanggang dito na lang.”
゚viralシfypシ゚viralシalシ