Copico Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Copico, Grocers, Jose Panganiban, Jose Panganiban.

Gusto mo ng kapeng pang matagalan?Rice Coffee - 300 MLFor only 120 pesosBaka 3 months hindi mo pa ito ubos hahaPwedeng p...
24/02/2026

Gusto mo ng kapeng pang matagalan?
Rice Coffee - 300 ML

For only 120 pesos
Baka 3 months hindi mo pa ito ubos haha

Pwedeng pwede sa acidic
No Caffeine po ito

PM mešŸ¤

Malayo ba?Malayo na, malayo na ang pweding maratingGawin na nating reyalidad yung kwentona pwede na tayong mag dugtongMa...
29/01/2026

Malayo ba?

Malayo na, malayo na ang pweding marating
Gawin na nating reyalidad yung kwento
na pwede na tayong mag dugtong
Malayo man mag kakaron na ng connection

Isang click
Isang follow
Pakiusap na hindi namimilit
Ngunit nakikiusap
Para sa suporta
At bilang representante ng Produktong MambuleƱo

Muli MARAMING SALAMAT SA INYO!šŸ¤

https://ph.shp.ee/zaFANNd

Werdo kung ipaglalaban kong pweding ipang regalo kape ko ngayong PebreroOo Pebrero, petsa katorse ito ang paboritoRosas ...
25/01/2026

Werdo kung ipaglalaban kong pweding ipang regalo kape ko ngayong Pebrero
Oo Pebrero, petsa katorse ito ang paborito

Rosas at tsokolate tiyak na pang laglag panty
May mga nag babalot ng kung ano ano
nag tatali ng ribbon na p**a sa nag pupuso pusong kahon
May mga nagiging makata sa pag sulat ng tula
At hindi mabilang na bulaklak sa isang bouquet pag upper class ka
Maraming nag ipon at nag trabaho para mabili yung teady bear na singlaki ng tao

Sa totoo lang walang koneksyon ang kape ko
Hindi akma sa konteksto
Pero kayang mag paalala na hindi dapat limitado
Hindi lang nobyo o nobya
Hindi lang sa mag asawa
Dahil sa buwang ito, may sekretong nag hihintay na makatanggap
Mga nanay at tatay, lalo na ang lolo at lola
Na minsan ng napag lipasan ng panahon
Nakalimutan ng iilan
Napag iwanan

Wag na tayo mag hintay ng partikular na buwan
Dahil hindi natin alam ang takbo ng oras
Try mo lang, bawal na sa kanila ang tsokalate
Palitan ng kape ko na may kasamang rosas

Sayang naman kung sa huling lamay nila tayo mag reregalo
Saka lang natin mapaparanas mag bigay ng bulaklak na para sana sa Pebrero.

LatakMaraming may ayaw sa kape koMaraming laitMay isang ale na na lumapit sa akin nung araw na nag titinda pa ako sa pal...
03/01/2026

Latak

Maraming may ayaw sa kape ko
Maraming lait
May isang ale na na lumapit sa akin nung araw na nag titinda pa ako sa palengke
Padabog na tinatanong kung bakit may latak
Maraming nakarinig
Maraming naka saksi
Pero may paninindigan ako

Naiintindihan ko
Hindi dahil sa hindi nila alam kundi dahil hindi nila naranasan
Bago sa panlasa kumpara sa nakamulatan
Subrang layo ng kape ko sa nakasanayang kape niyo

Nauunawaan ko
Pero ipapa unawa ko
Na ang latak ng kape ko ay hindi dumi
Ito ay natural na sinangag na bigas
Hindi ito kayang matunaw pagkat walang chemical na hinalo
Hindi dumaan sa maraming makinarya
Ito ay puro

Kung sa kompetensya kaya ko itong ipanalo
Walang sekreto
Walang formula
Kundi natural na sustansya na dala nito
Walang side effects
At sa may partikular na sakit?
Nakakatulong ito

At kung sa lasa?
Hindi masarap sa iba
Pero naniniwala ako na marami kami
Marami kaming nakaranas
Marami kaming alam ang kalidad

Kaya mag papatuloy ako.
Para ipalaganap ang kwento.
Ang hiling ko, sana maging parte ka.

Mag iiwan lang ako ng kunting paalala
Kapatid lumaban at mag patuloy ka
Dahil hindi ka papakainin ng opinion nila.



Churros Bite!Deliver mamayang hapon!Isa lang masisiguro koWorth it sa presyo!
31/12/2025

Churros Bite!
Deliver mamayang hapon!

Isa lang masisiguro ko
Worth it sa presyo!

Mga araw na nakikipag sabayan ako sa pag tinda sa kantoHabang dangdang sa sikat ng arawAt nakiki pag pagalingan sa pag a...
28/12/2025

Mga araw na nakikipag sabayan ako sa pag tinda sa kanto
Habang dangdang sa sikat ng araw
At nakiki pag pagalingan sa pag alok
Matik laway ang puhunan

Ito ang sistema na subrang pagod pero sigurado
Bukod sa ganda ng resulta ng negosyo marami ako nakilalang tao
Marami ako naging ate, kuya, at nanay
Hindi subrang kumapal ang bulsa ko
Pero kung sa karanasan panalo
Tumibay ang loob
Kumapal ang muka
Natuto!

Kaya kung tatanungin ako kung handa pa akong bumalik sa ganiyang scenario? Higit pa sa OO!

Yung struggle lilipas, magiging kwentoKatagalan masasabing "diyan ako nag simula, diyan ako natuto"  bawat "success " ka...
13/12/2025

Yung struggle lilipas, magiging kwento
Katagalan masasabing "diyan ako nag simula, diyan ako natuto" bawat "success " kaagibat ang pressure, stress at pagod na minsan mauuwi sa pag suko.

Negative sa umpisa, pero patuloy ka.
Pahinga pag katapos at tingnan natin ang resulta

Hindi natupad sa tamang oras ang usap
Huli pa sa huli pero nanatili kayo
Kaya sa inyo mula sa puso
Salamat sa pag tanggap


Munting LakbayMalayo pa pero may usad. Malayo pa para makampante. Laging may taya na dapat manalo.Hindi madali. Yung baw...
05/12/2025

Munting Lakbay

Malayo pa pero may usad. Malayo pa para makampante. Laging may taya na dapat manalo.

Hindi madali. Yung bawat sulong ko lakas ng loob ang baon.

Kaya sa mga taong nag tiwala ramdam ko kayo
Sa bawat lait ng iba andiyan kayo naka suporta.
Salamat sa pag salbašŸ¤

Umulan uminit dadating ako para iparanas ang munti kong produkto.

Address

Jose Panganiban
Jose Panganiban

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Copico posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category