03/01/2026
Ingat ingat din sa pagbili lalo pag holidays.
Isa sa branch ng Puregold ito nangyari.
Dahil need ibudget ang laman ng PWallet, lahat ng pinamili namin ay nakacalculator. Ang price na pinagbasehan namin ay ang price checker.
Nung malapit na kami matapos napatingin kami sa POS monitor nila. Napansin namin na over kami sa nacalculate namin. Then sakto sa lower part ng screen. Napansin namin yung toothpaste, 55 lang dapat pero 73 nakalagay. We even check sa price checker. 55 lang talaga dapat pati sa sticker nakalagay 55 lang then pag dating sa counter 73 na?!
Tapos yung cashier umalis may pinuntahan pagbalik sabi lang eh mali lang daw yung nasa sticker. Then sabi ko " Miss nakalagay din sa price checker nyo 55 lang"
Umalis uli si cashier then pagbalik she said di daw updated yung POS nila sa counter. Bigla kong nasabi, mali eh. kung may mas dapat na updated dapat yang POS nyo sa counter at hindi ang price checker. Kasi sa counter naman magbabayad at hindi sa price checker. Though, dapat parehas nga silang updated at tugma sa isat isa.
Tapos ang cashier umalis uli at pagbalik same pa rin ng sinabi na di updated ang counter POS nila. So we let it slide na lang kasi paulit ulit na lang sila ng sinasabi. Ang masaklap pa nyan, before kami mamili, ok ang PWallet gamitin then nung tapos na kami bigla di na ok. Offline lahat. Like WTH 😅🙄. After nang bilangan, computation at discussion sasabihin bigla offline 😒. Buti at may credit card at cash kami na dala. Eh paano kung wala? Edi wasted effort lang.
Sana next time pakiupdate ang mga POS ninyo. Tugma sana ang price checker at counter price. Para di nagkakagulatan pagbayaran na. Kawawa naman kaming budgetarian nyan kung laging may mali😅