26/10/2026
"Ulirang Ama"
Tatay: "Kuya ano pong masarap na inumin?"
Me: *iniisip kung anong kape yung isa-suggest panggising at baka nakainom si tatay"
Tatay: "Ay hindi po para sakin, Para po sa dalawang anak ko, 100 badget lng po sana para sa dalawang anak ko" (medyo nagdadalawang isip pa si tatay kasi 100 lng yung badget nya)
Me: * Sige tay, gawan ko na po kayo ng dalawang cup ng fruit soda, okay na po yan"
Tatay: *naka ngiting nanonood habang ginagawa yung order na iuuwi nya para sa mga anak nya*
Tatay: "pasensya na po medyo madumi na ang damit ko at magsasaka ako😅"
Me: "okay lang po yan tay"
P.S after ko gawin yung order ni tatay nag request ako kung pwede ba syang picturan, medyo nahihiya sya dahil medyo madumi sya gawa ng galing sya sa bukid, pero sinabi ko na "okay lng po yan" gwapo padin naman po kayo tay😊
Nakakatuwa lng na sa kahit simpleng bagay sinusubukan niyang gawin ung best nya para makapag uwi ng pasalubong sa mga anak nya, masaya ako para sakanya at sa mga anak niya dahil meron silang tatay na ginagawa ang lahat para mapasaya lng ang kanyang mga anak.