03/08/2026
PAUNAWA SA LAHAT NG KINAUUKULAN
Mula sa MMB Seafood Trading Management, ipinababatid po namin sa lahat na si G. Alfie Tolentino, dating Head Operations Manager ng MMB Seafood Trading, ay wala na pong anumang kaugnayan o awtoridad na kumatawan sa nasabing consignacion.
Dahil dito, ang anumang transaksyon, kasunduan, o pakikitungo na isasagawa ni G. Alfie Tolentino gamit ang pangalan ng MMB Seafood Trading, nang walang opisyal na pahintulot mula sa aming pamunuan, ay hindi na po pananagutan ng aming consignacion.
Para sa anumang opisyal na transaksyon at iba pang katanungan, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa aming opisyal na tanggapan o awtorisadong kinatawan.
Kami po ay patuloy na bukas at handang makipag-ugnayan sa lahat ng aming clients, suppliers, business partners, at iba pang kinauukulan. Maari rin po kayo tumawag sa ( 044-7935004 or 09209214866 )
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na tiwala.
Lubos na gumagalang,
MMB SEAFOOD TRADING MANAGEMENT