08/10/2025
Sa loob ko’y may digmaan
na pilit kong itinatago sa
tahimik kong paghinga.
May sigaw na ayaw marinig,
At mga luhang hindi na pumatak
Parang giyera sa dibdib
na walang armas kundi tiis,
at bawat araw ay laban
na ako lang ang nakakaalam.