Kunting Hadith

Kunting Hadith Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kunting Hadith, Grocers, Davao City.

28/05/2023

Ibn al-Qayyim رحمه الله:
❝Ang Propeta ﷺ ay madalas na binibigkas ang dalawang Surah na ito - al-Kaafiroon at al-Ikhaas - sa Sunnah na panalangin ng al-Fajr at sa al-Witr, dahil ang pagkilos ng araw ay nagsisimula nito (Sunnah ng Fajr) at nagtatapos dito. (al-Witr); upang ang araw ay magsimula sa Tawheed at ito ay magtatapos sa Tawheed.❞

📚اجتماع الجيوش الإسلامية ج١ ص٨٥

14/03/2023

Tanong: Ano po ang ibig sabihin ng sinabi ng Propeta Muhammad sallallahu alayhi wasallam :

(أيما امرأة سألت زوجها طلاقا من غير ما بأس فحرام عليها رائحة الجنة)
"Sinumang babae ang humiling ng Talaq (Diborsyo) mula sa kaniyang Asawa na walang mabigat na dahilan ay bawal sa kaniya ang halimuyak ng parasio"

Jazākallāhu khayran.

Sagot :

الحمد لله والصلاة والسلام على رسول الله و على آله و صحبه و من ولاه، وبعد:

Ang hadeeth na iyong binanggit kapatid ay sinalaysay ni Abu Dāwud , ni Tirmidhee , ni Ibnu Mājah at pinagtibay ni Abu Khuzaimah at Ibnu Hibbān at pinagbuti ni Imām attirmidhee ayon sa awtoridad ni thawbān Kalugdan nawa siya ni Allah.

Ang ibig sabihin sa sinabi ng Propeta "حرام عليها رائحة الجنة "
Bawal sa babaeng iyon ang halimuyak ng paraiso: sinabi ng may akda ng aklat na Tuhfatul Ahwadhee : bawal sa kaniya ang halimuyak ng paraiso ibig sabihin nito ay hindi niya maaamoy ang halimuyak ng paraiso sa pinakaunang beses na pagpasok rito ng mga mananahan sa paraiso o di kaya ay hindi ito matatagpuan at kabilang ito sa pagmamalabis sa pagbababala laban sa gawaing ito. At ang tulad nito ay napakarami sa qur.an at hadeeth..
Sinabi ni Fudhayl ibnu Iyādh : sinabi ni Al Qāree : "ang kahulugan ng hadeeth na ito ay ipagbabawal sa kaniya ang halimuyak ng Paraiso kahit pa man makapasok siya ng Paraiso".

Ibig sabihin hangga't hindi naman nakagawa ng kufr ang babae ay makakapasok pa rin ito ng paraiso kagaya ng iba pang mga mu.mineen subalit hindi niya maaamoy ang halimuyak ng paraiso..

Ang ibig sabihin naman ng mabigat ma dahilan sa hadeeth na nabanggit : sinabi ni Al-ahwadhee sa kaniyang paliwanag sa Aklat ni Imām attirmidhee partikularmente sa hadeeth na ito : ibig sabihin nang walang mabigat na dahilan ay yaong dahilang hindi naman makakatulak sa kaniya tungo sa paghiling ng Talāq.

At kasama sa mga halimbawa nito ay ang sumusunod:
1.Masamang pakikitungo ng asawa,
2.pagkamuhi nya (babae) sa asawa niya kung saan hindi niya kayang mamuhay kasama siya,
3.o di kaya'y sa buhay sekswal at iba pa..
ang mga nabanggit ay maaari pang maayos upang hindi makapaghiwalay ang mag asawa. kahit pa man kabilang ito sa mga mabibigat na dahilan na magtutulak upang humingi siya ng talāq. Maari pa itong maisaayos sa harap ng Qādhee..

Patungkol naman sa mga bagay na obligado na siyang humiling ng Talāq sa kaniyang asawa :

Kung siya'y uutusan gumawa ng ipinagbabawal ni Allah at paggawa ng kasalanan at pipilitin siya nitong sumunod sa ipinagbabawal ni Allah at kabilang na rito ay kung nagzizina ang asawa niyang lalaki wal iyāzubillah at iba pang mabibigat na kasalanan na tinukoy ng batas islamiko..

at si Allah ang Higit na Nakaalam sa lahat..

-Abu Ziyad Abdulrahman Caderao (taken from 2016 Q&A)

11/03/2023

•Ang Pagpapakumbaba

Sinabi ng Propeta ﷺ :

( إنَّ مِن أحبِّكم إليَّ وأقربِكُم منِّي مجلسًا يومَ القيامةِ أحاسنَكُم أخلاقًا ، وإنَّ مِن أبغضِكُم إليَّ وأبعدِكُم منِّي يومَ القيامةِ الثَّرثارونَ والمتشدِّقونَ والمتفَيهِقونَ،.... ) رواه الترمذي وصححه الألباني .

"Katutuhanan na kabilang sa pinakamamahal ko sa inyo at may pinakamalapit sa akin ang kanyang upuan sa Paraiso ay ang may pinaka mabuting pag-uugali sa inyo, at katutuhanan na ang pinaka kinamumuhian ko sa inyo at may pinakamalayo sa inyo sa akin sa araw ng paghuhukom ay ang mga madaldal, at mga mapanlait sa kapwa at mga mayayabang"

Iniulat ni ATTirmidhi

30/01/2023

Mag-ingat sa tatlong uri ng luha:

1. Luha ng taong naaapi

قَالَ النَّبِيُّ ﷺ : ❞ واتَّقِ دَعْوَةَ المَظْلُومِ ؛ فإنَّه ليسَ بيْنَهُ وبيْنَ اللَّهِ حِجَابٌ ❝ أخرجه البخاري ( ١٤٩٦ )

Sabi ni Propeta Muhammad ﷺ: ❝Katakutan mo ang panalangin ng taong naaapi; sapagkat ito ay walang tabing (harang) sa pagitan niya at sa Allâh.❞ Bukhari

2. Luha ng ulila

قَالَ تَعَالٰى : ﴿ إِنَّ الَّذِينَ يَأْكُلُونَ أَمْوَالَ الْيَتَامَى ظُلْمًا إِنَّمَا يَأْكُلُونَ فِي بُطُونِهِمْ نَارًا وَسَيَصْلَوْنَ سَعِيرًا ﴾ سورة النساء ، رقم الآية ١٠

Sinabi ng Allâh: ﴾Katotohanan, yaong mga lumalamon sa yaman ng mga ulila nang may kamalian (walang katanungan) ay lumamon lamang ng apoy sa kanilang mga tiyan. At katiyakan sila ay papasok sa naglalagablab na apoy.﴿ Qur’an 4:10

3. Luha ng ina o ama

قَالَ النَّبِيُّ ﷺ : ❞ أَلا أُخْبِرُكُمْ بأَكْبَرِ الكَبائِرِ ؟ قالوا : بَلَى يا رَسولَ اللَّهِ ، قالَ : الإشْراكُ باللَّهِ ، وعُقُوقُ الوالِدَيْنِ ❝ رواه البخاري ( ٦٢٧٣ )

Sabi ni Propeta Muhammad ﷺ: ❝Nais niyo bang sabihin ko sa inyo ang pinakamalaking kasalanan? Sabi nila: Bakit hindi o Sugo ng Allâh, sabi niya: Ang pagtambal sa pagsamba sa Allâh, at ang pagsuway (pagiging suwail) sa dalawang magulang.❞ Bukhari

قَالَ النَّبِيُّ ﷺ : ❞ لا يدخلُ الجنَّةَ منَّانٌ ، ولا عاقٌّ ، ولا مُدمنُ خمرٍ ❝ رواه النسائي ( ٥٦٨٨ ) وصححه الألباني

Sabi ni Propeta Muhammad ﷺ: ❝Hindi makakapasok sa Paraiso ang palasumbat, ang suwail sa magulang, at ang lolong sa alak.❞ An-Nasa-ie

قَالَ النَّبِيُّ ﷺ :‏ ❞ الْوَالِدُ أَوْسَطُ أَبْوَابِ الْجَنَّةِ فَإِنْ شِئْتَ فَأَضِعْ ذَلِكَ الْبَابَ أَوِ احْفَظْهُ ❝ رواه الترمذي ( ١٩٠٠ )

Sabi ni Propeta Muhammad ﷺ: ❝Ang ama (tatay) pinakagitna ng mga tarangkahan ng Paraiso, kaya kung nais mo, maaari mong suwayin siya at hayaang mawala ang tarangkahan na iyon o pangalagaan ito o ingatan.❞ At-Tirmidhie

Kapag napatulo mo ang isa sa mga luha na ito ay para mo rin binuksan para sa sarili mo ang mga pintuan ng Impiyerno.

Ilayo nawa tayo ng Allâh sa masamang pag-uugali at nawa’y pata

10/01/2023

~Huwag nating kalimutan na ang Allah ang nangangasiwa ng ating tinatamasang mga biyaya , Ang mga bagay na iyong tinatamasa ngayon ay hindi dahil sa iyong kakayahan. subalit ito ay kapasyahan ni allah .
nung si maria na ina ni hesus ay nanganak sabi ni allah sa banal na quran:

وَهُزِّيٓ إِلَيۡكِ بِجِذۡعِ ٱلنَّخۡلَةِ تُسَٰقِطۡ عَلَيۡكِ رُطَبٗا جَنِيّٗا

“At yugyugin mo ang puno ng datiles na nasa iyong harapan, ihuhulog nito sa iyo ang hinog na sariwang bungang-datiles.”

-ito ay nangangahugan lamang na imposible na kayang yugyugin ng isang babaeng bagong panganak ang puno na datiles dahil ito ay sobrang laki ng puno nito.
ngunit ito ang nangangahulugan lamang na gumawa lang si maria na ina ni hesus ng hakbang at si allah na ang bahala sa biyaya.

dahil ang pananampalataya ni maria kay Allah ay napakatibay .

-ang biyaya ang hindi nangangailangan ng talino at lakas. ito ay nangangailangan ng matibay na pananamplataya. dahil si Allah ang tagapanustos.
sabi ni Allah:
إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلرَّزَّاقُ ذُو ٱلۡقُوَّةِ ٱلۡمَتِينُ
Katotohanan, ang Allah ay Siyang [lagi nang] Tagapanustos, ang matatag na nagtataglay ng Lakas.

-palakasin lamang ang pananampalataya kay Allah at hanapin ang biyaya

_YANG PAG TUNGA NG NABI MUHAMMAD NG BUWAN_-isa sa mga himala ng nabi muhammad yang pag tunga ng buwan sa pagtugot ng All...
10/01/2023

_YANG PAG TUNGA NG NABI MUHAMMAD NG BUWAN_

-isa sa mga himala ng nabi muhammad yang pag tunga ng buwan sa pagtugot ng Allah . kamagunawa ng pag tunga ni musa alayhi salam ng dagat. ininang yani ng allah para mapayag sang way paratyaya yang pag pangimunna sang mga sinugo ng Allah taala,

sikon kang annas bin malik radiyallahu anho:

إنَّ أهْلَ مَكَّةَ سَأَلُوا رَسولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عليه وسلَّمَ أنْ يُرِيَهُمْ آيَةً، فأرَاهُمُ القَمَرَ شِقَّتَيْنِ، حتَّى رَأَوْا حِرَاءً بيْنَهُمَا.

sa bunna.x yang mga kuffar na quraish yaga request sang nabi muhammad ng ebedinsya ( pyaga uyas.x nilan yang nabi ) untak manginto silan sang nabi muhammad . yakita nilan na itunga ng nabi muhammad s.a.w yang buwan sang tunga aw ikita ng mga kuffar na yang butay ng hira iyan sa pagutan ng yamabahin na buwan.

_yang pag bahin ng buwan isa sa sign na mallug da yang oras na amasapad da yang dunya, lawng ng allahu taala:

ٱقۡتَرَبَتِ ٱلسَّاعَةُ وَٱنشَقَّ ٱلۡقَمَرُ

mallug da yang oras aw yatunga da yang buwan.

*mag tawbat kita kamo kariko adto sang allah.

allahu alam

09/01/2023

bakit ba obligado sa atin na i apply kung ano man ang ating napag aralan sa ating mga sarili ?"
ang pag apply sa sarili ay ito yung bunga ng iyong kaalaman. sa makatuwid kung ikaw ay may kaalaman ngunit hindi ito nakikita sa iyong kilos , para ka lang nag tanim pero hindi ito nagbunga
sabi ni allah:

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لِمَ تَقُولُونَ مَا لَا تَفۡعَلُونَ

O kayong mga naniwala, bakit kayo nagsasalita [ng mga bagay] na hindi naman ninyo ginagawa [sa inyong mga sarili]?

كَبُرَ مَقۡتًا عِندَ ٱللَّهِ أَن تَقُولُواْ مَا لَا تَفۡعَلُونَ

Kasuklam-suklam sa [paningin ng] Allah na kayo ay nagsasalita [ng mga gayong bagay] na hindi naman ninyo ginagawa.

قال عبد الله بن المعتز: "علم بلا عمل كشجرة بلا ثمرة ".
^ang kaalaman na walang pagsasabuhay nito ay katulad ng punong wala bunga.

01/01/2023

KABILANG SA MGA SIKRETO PAANO MAGING PANATAG ANG PAMUMUHAY DITO SA MUNDO

سئل الحسن البصري عن سر زهده في الدنيا فقال:

أربعة أشياء

علمت أن عملي لا يقوم به غيري فاشتغلت به.

وعلمت أن رزقي لا يذهب إلى غيري فاطمأن قلبي.

و علمت أن الله مطلع علي فاستحييت أن يراني على معصية.

وعلمت أن الموت ينتظرني فاعددت الزاد للقاء ربي.

Si Al-Hasan Al-Basri ay tinanong tungkol sa kanyang lihim paano nya tinatalikoran ang mundong ito, at sinabi niya: Apat na bagay

Napagtanto ko na walang sinuman maliban sa akin ang gagawa ng aking trabaho (ibada), kaya nagiging abala ako dito.

At alam kong hindi napupunta sa iba ang aking kabuhayan (biyaya), kaya panatag ang loob ko.

At alam kong nakikita ako ni Allahu subahanaho wa ta'ala, kaya nahihiya akong makita niya akong sumusuway sa kanya.

At nalaman ko na ang kamatayan ay naghihintay para sa akin kaya pinag hahandan ko ito upang makita ang aking Panginoon.

19/12/2022

Sinabi ni Ibn Al-qayyim (رحمه الله):

"Ang mata ay salamin ng puso. Kung ibababa ng isang tao ang kanyang tingin, ibababa ng puso ang kanyang mga pagnanasa. Ngunit kung ang isang tao ay tumingin, ang mga pagnanasa sa kanyang puso ay pumupukaw. "

قل للمؤمنين يغضّوا من أبصارهم
'Sabihin sa mga naniniwalang lalaki na ibaba nila ang kanilang mga paningin (sa mga bawal na bagay)'
وقل للمؤمنات يغضضن أبصارهنّ
'At sabihin sa mga naniniwalang babae na ibaba nila ang kanilang mga paningin (sa mga bawal na bagay)'

سورةالنور

Hindi maiiwasan ng tao ang pagkakamali,dahil sa naging likas sa kanya na kahinaan,at hindi pagpapaakay sa panginoon niya...
14/12/2022

Hindi maiiwasan ng tao ang pagkakamali,dahil sa naging likas sa kanya na kahinaan,at hindi pagpapaakay sa panginoon niya sa gawaing inianyaya sa kanya,at ang pag-iwan sa anumang sinaway niya sa kanya,subalit Siya-pagkataas-taas Niya ay nagbukas ng pintuan ng pagsisisi sa lingkod niya, At ibinatid Niya na ang pinakamainam sa mga nagkakamali ay yaong nagpaparami sa pagsisisi.

Dito sa Mundo, maraming bagay ang tumutukso sa bawat tao, maraming bagay ang nagdudulot ng kanyang pagiging abala hanggang tuluyan ng malubog sa mga masasamang makamundong bagay o gawain at tuluyan naring talikurang ang mabubuting gawa at paglilingkod sa Panginoon. Sadyang marupok ang tao kaya madali lamang magapi ng demonyo o satanas at sinusunod ang mga bulong at udyok nito.

Ang bawat angkan ni Adam ay nagkakasala, hindi lingid sa ating kaalaman na ang tunay na ganap ay si Allah lamang at Sakdal samakatuwid, Siya lamang ang lubos na Perpekto; hindi nagkakamali.


عن أنس بن مالك رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «كلُّ بني آدم خَطَّاءٌ، وخيرُ الخَطَّائِينَ التوابون».
[حسن] - [رواه الترمذي وابن ماجه والدارمي وأحمد]

Ayon kay Anas bin Mālik (R.A) :
Sinabi ng Propeta Mohammad (salallaahu alaihi wasalam):
((Ang lahat ng anak ni Adam ay nagkakamali at ang pinakamainam sa mga nagkakamali ay yaong nagbabalik-loob))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy]

12/12/2022

DALAWANG MUKHA AT DILA

Itinala ni Al-Mundhiri ang sumusunod na kabanata sa kanyang aklat na Al-Targhib wal-Tarhib:

ترهيب ذي الوجهين وذي اللسانين
Pagpigil na magkaroon ng dalawang mukha at magsalita na may magkasawang dila.

Pinagmulan: al-Targhīb wal-Tarhīb 3/602

Iniulat ni Abu Huraira: Ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi:

‏إِنَّ مِنْ شَرِّ النَّاسِ ذَا الْوَجْهَيْنِ الَّذِي يَأْتِي هَؤُلاَءِ بِوَجْهٍ وَهَؤُلاَءِ بِوَجْه

“Katotohanan, kabilang sa pinakamasamang tao ang isa na may dalawang mukha, siya na lumapit sa isang mukha sa mga ito at isa pa sa mga iyon.“

Pinagmulan: Ṣaḥīḥ al-Bukhārī 6757, Antas: Muttafaqun Alayhi

Si Muhammad ibn Zayd ay nag-ulat: Ang ilang mga tao ay nagsabi kay Ibn Umar, nawa'y kalugdan siya ng Allah, “Kapag kami ay nakipagpulong sa isang pinuno, kami ay nagsasalita sa kanila nang iba kaysa sa aming sinabi pagkatapos namin silang iwan.“ Sinabi ni Ibn Umar:

كُنَّا نَعُدُّهَا نِفَاقًا

“Itinuturing namin namin itong pagkukunwari.”

Pinagmulan: Ṣaḥīḥ al-Bukhārī 6756, Antas: Sahih

Iniulat ni 'Ammar: Ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi:

مَنْ كَانَ لَهُ وَجْهَانِ فِي الدُّنْيَا كَانَ لَهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ لِسَانَانِ مِنْ نَارٍ

“Sinumang may dalawang mukha sa mundo, magkakaroon siya ng dalawang dila ng apoy sa Araw ng Muling Pagkabuhay.”

Pinagkunan: Sunan Abī Dāwūd 4873, Antas: Sahih

Iniulat ni Anas: Ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi:

مَنْ كَانَ لَهُ لِسَانَانِ فِي الدُّنْيَا جَعَلَ اللَّهُ لَهُ لِسَانَيْنِ فِي نَارِ يَوْمِ الْقِيَامَةِ

“Sinuman ang magsalita sa mundo na may magkabit na dila, gagawa si Allah ng dalawang dila ng apoy para sa kanya sa Araw ng Muling Pagkabuhay.”

Pinagkunan: Musnad Abī Ya’lá 2746, Antas: Sahih li ghayrihi

Address

Davao City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kunting Hadith posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category