15/01/2026
๐ช๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ด๐น๐ผ, ๐ต๐๐๐๐ถ๐๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ถ๐ต๐ถ๐ป๐ด๐ถ.
Ina ng batang nasawi sa pedestrian lane, nanindigang lalaban hanggang dulo. Isang matapang at pusong-panawagan para sa hustisya ang ibinahagi sa social media ni Monica Ganton Linga, ina ng 11-taong-gulang na si Rafaele o mas kilala bilang โRafraf,โ ang batang nasawi matapos masagasaan ng isang pickup truck habang tumatawid sa pedestrian lane.
Sa kanyang opisyal na pahayag sa Facebook, mariing nilinaw ni Linga na agad siyang nagsampa ng kaso kinabukasan ng kanyang pagdating at walang naganap na anumang areglo.
โWalang anumang halaga ng pera ang makakatumbas sa buhay ng anak ko,โ ani Linga.
โHindi ito aksidenteโito ay malinaw na kapabayaan at reckless driving.โ
Ayon sa salaysay ng ina, malinaw sa CCTV footage na maingat na tumawid si Rafaele. Tumingin umano ito sa kaliwa at kanan, huminto, at sinigurong ligtas bago tumakbo sa pedestrian lane matapos tumigil ang isang sasakyan upang magbigay-daan.
Ngunit sa gitna ng sandaling iyon, isang pickup truck ang biglang nag-overtake at humarurot sa nakahintong sasakyanโisang desisyong nauwi sa trahedya.
โAng walang-ingat na pag-overtake ang pumat*y sa anak ko,โ pahayag ni Linga.
Ibinahagi rin niya ang bigat ng kanyang pinagdaraanan bilang isang solo parent na biglang nawalan ng kaisa-isang anak.
โSi Rafaele ang buong mundo ko. Ang buong buhay ko.โ
Ngunit bukod sa matinding sakit ng pagkawala, isa pang pasanin ang kanyang kinakaharap, ang posibilidad na makalaya sa piyansa ang responsable, habang ang kanyang anak ay wala nang babalikan.
โMay impluwensya sila. May koneksyon. Kaya kailangan ko ang inyong boses.โ
Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, nanindigan si Linga na hindi siya mananahimik.
โLalaban ako hanggang sa huli para sa anak ko. Ang hinihingi ko ay hustisya.โ
Kasama ng kanyang post ang hashtag , na patuloy na kumakalat sa social media, simbolo ng isang inang tumangging tumahimik upang ipaglaban ang hustisya para sa kanyang anak.
๐ธ Ctto Monica Linga