31/05/2026
🌾📚 PANAWAGAN PARA SA DONASYON | BALIK ESKWELA 2026
Sa likod ng bawat butil ng bigas na ating kinakain ay ang pawis, pagod, at sakripisyo ng ating mga magsasaka.
Ngunit sa kabila ng kanilang pagsusumikap, marami pa ring anak ng mga magsasaka ang nahihirapang makapaghanda para sa pagbubukas ng klase ngayong taon.
Sa pamamagitan ng CMZ Farm and Store , nais nating magbigay ng pag-asa sa mga batang ito sa pamamagitan ng school supplies, bags, notebooks, at iba pang pangunahing pangangailangan sa pag-aaral.
💚 Inaanyayahan namin ang mga farmer advocates, organizations, foundations, government agencies, private companies, at mga indibidwal na may pusong tumulong na makiisa sa misyong ito.
Hindi man natin mababago ang buong mundo sa isang araw, ngunit maaari nating mabago ang kinabukasan ng isang bata sa pamamagitan ng simpleng pagtulong.
Ang bawat donasyon—malaki man o maliit—ay isang hakbang upang mabigyan ng mas magandang pagkakataon ang mga anak ng ating mga magsasaka.
🌱 Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon.
🌱 Sama-sama nating suportahan ang pamilyang magsasaka.
🌱 Sama-sama nating ihanda ang mga bata para sa mas maliwanag na bukas.
"Ang iyong donasyon ngayon ay maaaring maging daan sa kanilang tagumpay bukas."
Para sa mga nais mag-donate o makipag-partner, maaari po kayong mag-message sa CMZ Farm and Store.
For in-kind donation please direct message Roselyn Cmz F & S or Rosvimar Morgadez for the drop-off area and coordination.
For cash donations, kindly scan the QR code provided in the image to make your contribution.
Rest assured that 100% of your donation will directly benefit our farmers and their children through the CMZ Farm and Store Balik Eskwela Program 2026.
Daghang salamat💓🫶