10/09/2025
Puppy love
Nasa grade 5 na ako ng mababang paaralan nang mapabilang ako sa koponan ng softball ng aming paaralan.Natoka ako bilang catcher ng team.Dahil sa nalalapit na ang kumpitisyon ay naging puspusan ang aming pag-eensayo. Dahil practice pa lang ay di pa muna ako gumagamit ng helmet bilang proteksyon pero nandoon dapat ang pag-iingat. Tinuruan ako ni coach ng iba't ibang teknik bilang catcher gaya ng mga senyas kung saan dapat papuntahin ang bola. Dapat na ang catcher at pitcher ay nagkakaintidihan sa itatakbo ng laro.
Kasalukuyang nakaporma na ako at nagbigay ng senyas sa pitcher nang mapadaan ang crush kong teacher at ako ay napalingon. Nakalimutan kong nagbigay na ako ng senyas kaya di ko nakita ang paparating na bola na dirediretsong tumama sa mukha ko. Sargo agad ang dugo sa ilong ko na siyang napuruhan. Nagkagulo ang mga kasama ko at tinulungan ako.Halos himatayin ako sa sakit na naramdaman ko.Agad na luma- pit ang crush kong g**o at pinahid ang umaagos na dugo mula sa ilong ko. Sa banayad na pagdampi ng kanyang mga kamay sa mukha ko ay saglit na napawi ang kirot na nararamdaman ko. Para akong nasa langit at hinehele sa alapaap at parang ayaw ko nang matapos ang kanyang ginagawa. Pagkalipas ng ilang araw ay idinaos ang kumpitisyon subalit di na ako nakasama sa laban dahil sa nakabenda ko pang ilong.