27/07/2026
📢 ANUNSYO | SCHEDULE NG PAGBILI NG ₱20 BIGAS
Magandang araw, mga kababayan!
Sa lahat ng nakapag-register para sa ₱20 Bigas Program, pakitingnan po ang listahan ng mga pangalan sa mga larawan (photos) na naka-upload upang malaman kung anong petsa kayo nakatakdang bumili.
📌 Maaari rin po kayong pumunta sa MIDACO KADIWA Center upang tingnan ang naka-post na listahan ng mga rehistradong benepisyaryo at ang inyong nakatalagang schedule.
🗓️Schedule ng Pagbili:
📅August 1, 2, at 3, 2026
⏰8:00 AM – 5:00 PM
✅ Mahalaga pong sundin ang inyong nakatalagang schedule upang maging maayos, mabilis, at organisado ang pagbili ng ₱20 Bigas.
📍Venue:
MIDACO KADIWA Center
Brgy. Sagana, Bongabong, Oriental Mindoro
Paalala:
Pakidala po ng original at colored photocopy (xerox) ng inyong mga ID's ng pagkakakilanlan bilang benepisyaryo ng P20 Bigas program ng Kadiwa ng Pangulo.
- 4p's ID
- PWD ID
- Senior Citizen ID
- Solo Parent ID
- RSBSA stub at valid ID
Ang wala pong dalang ID kahit kayo ay nakalista ay hindi po namin kayo mapapagbilhan, kaya wag nyo po kalimutan ang inyong mga ID.
Paalala din po na kailangan nyo muna bumili sa Kadiwa Center ng worth P200 pesos minimum purchase bago kayo makabili ng P20 na bigas. Hanggang 10 kilos lang po muna ang inyong mabibili para po mapagbigyan natin ang lahat. Para po sa mga susunod pagbili, kailangan nyo lang po ulit magparegister sa Kadiwa Center.
Maraming salamat sa inyong kooperasyon. Kita-kits po tayo sa inyong nakatakdang araw!