03/10/2026
📢 PAALALA SA LAHAT: KONTRA DENGUE! 🦟
Mag-ingat tayo laban sa Dengue, isang sakit na naipapasa sa kagat ng lamok na Aedes.
🛡️ PAANO MAIIWASAN ANG DENGUE?
✅ Linisin ang paligid at alisin ang mga bagay na maaaring pag-ipunan ng tubig.
✅ Takpan ang mga lalagyan ng tubig upang hindi pamugaran ng lamok.
✅ Itapon o baligtarin ang mga bote, lata, gulong at iba pang maaaring mag-ipon ng tubig.
✅ Panatilihing malinis ang kanal at bakuran.
✅ Gumamit ng mosquito repellent at magsuot ng damit na nakatakip sa balat kung kinakailangan.
✅ Maglinis at mag-check ng bahay bawat linggo upang maalis ang mga posibleng pamugaran ng lamok.
🚨 MAGING ALERTO SA MGA SINTOMAS
Ang mataas na lagnat, matinding sakit ng ulo, pananakit ng katawan, pagsusuka, o pantal ay maaaring sintomas ng dengue. Magpakonsulta agad sa health center o doktor kung may mga ganitong sintomas, lalo na kung lumalala ang kondisyon.
Tandaan: “4S Kontra Dengue” — Search and destroy mosquito-breeding places, Self-protection measures, Seek early consultation, at Support fogging/spraying kapag may outbreak.
🦟 Walang lamok, walang dengue! Sama-sama tayong kumilos para sa ligtas at malusog na komunidad.