26/05/2025
"CHEATER"
Cheater anim na letra,
sila yong nagmahal na hindi makontento sa isa,
kaya dumagdag pa ng iba,
cheater sila yong hindi marunong mag isip o magpahalaga sa nararamdaman ng iba,
hindi nila iniisip na yong taong mahal nila ay nasasaktan na pala,
magdadagdag at magdadagdag pa din sila,
kahit hindi nila alam na yong taong unang mahal nila ay gusto ng kumawala,
tapos kapag iiwan sila nong taong mahal nila ay iiyak ng iiyak tapos mangangakong hindi na uulit pa,
kaya papatawarin at bibigyan ng isa pang pagkakataon,
para tuparin at ip**ita na totoo ang pingakong yon,
pero uulitin at uulitin pa din nila ang pagkakamaling nagawa,
maghahanap pa din sila ng iba kahit na masasaktan ka.
Kaya ikaw mapapaisip ka nalang,
kong ano bang kulang?
ano bang nagawa kong mali,
para gawin niya yon uli,
lahat binigay ko,
lahat ginawa ko,
pero dadagdagan at ipagpapalit niya pa rin ako,
kahit ilang buwan o taon pa kayo,
kong hindi sya marunong makontento,
maghahanap at ipagpapalit ka pa rin niya sa bago,
kasi nagsawa na sila sa relasyon niyong dalawa,
kaya dapat kong magmahal ka kailangan marunong kang makontento sa isa,
kong ayaw mong pag sisihan na iiwan ka ng taong mahal mo mag isa,
at makikita mong masaya na siya sa iba.