23/09/2024
MURA, NAGBAHAGI NG KANYANG SAMA NG LOOB SA MGA KAPATID NA INIWAN SIYA DAHIL WALA NA SIYANG PERA.
Hindi naitago ng komedyanteng si Allan Padua, o mas kilala bilang si "Mura" ang sama ng loob niya sa kanyang mga kapatid.
Sa panayam sa kanya ng isang content creator, sinabi ni Mura na noong may pera pa siya ay sobrang ganda ng pakikitungo sa kanya ng kanyang mga kapatid at kamag-anak.
Ngunit noong tila tumamlay ang kanyang karera ay isa-isa na silang lumayo sa kanya at hindi man lang siya tinulungan noong siya na ang nangangailangan.
"Yung mga kapatid ko, pinabayaan na ako. Yung ganitong sitwasyon ko. Pati papa ko, ganon, kaming dalawa ni Papa, pinabayaan nila," ani Mura.
Ipinakita rin ni Mura ang kanyang bahay na hindi natapos dahil narin sa problemang pinansiyal niya.