21/09/2023
TAAL VOLCANO UPDATE
𝐕𝐎𝐆 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓!
Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ukol sa mataas na antas ng sulfur dioxide emission mula sa Taal Volcano na nagdudulot ng volcanic smog o vog.
Sa Taal Volcano Advisory na inilabas nito ngayong 5:30 ng hapon, Setyembre 21, iniulat ng Phivolcs na aabot sa 4,569 tonelada kada araw ng sulfur dioxide ang ibinuga ng Bulkang Taal ngayong araw.
-Philippine Information Agency CALABARZON
SMOG 🚨 ALert‼️
Ang vog ay isang mapanganib na kombinasyon ng gas at maliit na particulate matter na resulta ng aktibidad ng bulkan. Maari itong magdulot ng problema sa paghinga at iba pang sakit sa kalusugan, lalo na sa mga mayroong mga existing na kondisyon sa baga.
Narito ang ilang hakbang para pangalagaan ang inyong kalusugan:
1️⃣ Manatili sa Loob: I-limit ang mga outdoor na aktibidad upang mabawasan ang pagka-expose sa vog.
2️⃣ Magsuot ng Face mask :Magsuot ng Face mask, lalo na kapag lumalabas ng bahay, upang mabawasan ang paghinga ng makakasamang particulate matter.
3️⃣ Isara ang mga Bintana: Palakasin ang pag-sara ng mga bintana at pinto upang maiwasan ang pagpasok ng vog sa inyong tahanan.
4️⃣ Manatili Sa Labas ng Panganib: Subaybayan ang mga update mula sa lokal na mga awtoridad para sa pinakabagong impormasyon at tagubilin ukol sa kaligtasan.
Mag-ingat po Tayo Guys 🥹🙏
Ganito na din ba ang Inyong Kapaligiran??