02/01/2024
Isang nag TRATRABAHO at isang FULLTIMEMOM na NEGOSYANTE
Sa panahon ngayon dina uso yung asa lang tayo sa mister natin dapat marunong tayong tumulong sa kanila
Dapat meron tayo 5 katangian
1.Diskarte - dapat tayong mga partner marunong din dumiskarte maliit man o malaki ang importante nakakatulong tayo kahit sa pang gastos lang
2.Tiyaga- dapat mag tyaga tayo sa mga pinapasok nating business kasi di naman agad nag boom o lumalago agad minsan failure muna kaya dapat marunong kang mag tiis para Ldr Lang din yan nag ttiis ka kahit malayo
3.Tiwala - dapat may tiwala ka sa business na papasukin mo wag mo iisipin yung mga negative scenario na pwedeng mang yari pero dapat handa ka meron kang Plan A to Plan Z
At dapat tiwala karin sa partner mo mag kalayo man kayo importante may tiwala ka sa kanya at dapat hindi mawawala
Yung kasi pag nawala un parang business din pag nawala tiwala wala na gguho na lahat
4.PAG MAMAHAL- dapat mahal mo yung ginagawa mong business kasi di ka magtitiwala, magtytyaga , magtitiis kong di mo mahal yung ginagawa mo parang mister mo mahal mo sya diba kaya lahat gagawin mo ganun din yun pag sinamahan ng pag mamahal ung business na gagawin mo maliit man yan darating time lalaki din at mag bubunga pa
5.Si Lord- wag mong kakalimutan ng lahat ng blessing na nakukuha mo galing sa kanya wag mong kakalimutang mag pasalamat mag dasal palagi nating iccenter si Lord Sa lahat ng bagay pati sa relasyon para di ka maligaw ng landas
at darating time na tayo naman ang AASENSO magtiwala kalang kay lord
Kapit kalang kapatid wag kang sumuko malayo man pero Malayo layo narin Wag kang Susuko
Mag failed kaman bangon ulit try lang ng try Magiging SUCCESFUL karin Kapit lang Laban lang 🙏💪