03/01/2024
New year, new me? Hindi. Dahil Maaaring sinabi mo na rin 'yan noong nakaraang taon.
Dapat baguhin na natin 'yan ngayong 2024, Dapat new day, new me. Kaya nga tayo ginigising ng Diyos araw-araw para magtake tayo ng action para may mabago sa buhay natin.
Ngayong taon, itigil na natin yung mga palusot na,
"Bukas na lang."
"Mamaya na lang o Tsaka na lang."
"Next week na lang" at "Sa susunod na lang."
Baka kasi hindi mo namamalayan sa kakapalusot mo sa sarili mo ay umabot nanaman tayo ng ilang buwan.
Sabi nga ni Cong Tv,
"Kung wala kang gagawing bago sa buhay mo, Walang bago mangyayari sayo."
Sa madaling salita, kung patuloy mo pa rin ginagawa yung mga dati mong ginagawa wala kang bagong makukuha.
Isipin natin mabuti, lahat tayo may 24 Hours a day para gumawa ng paraan para sa ikakaganda ng kinabukasan, pero iilan lang satin ang handang mag take ng action at ng risk.
Halimbawa, gusto mo maging fit and healthy pero ayaw mo naman mag cardio or pumunta sa gym kasi ayaw mo mapagod at pagpawisan. Kung gusto mo maging fit and healthy dapat handa ka gumawa ng bago sa buhay mo. Dahil ang muscle at pagiging healthy ay hindi naman bigla nalang tutubo sa katawan mo. Kailangan mag buhat ng weights or mag cardio katulad ng Jogging or kahit anong activity na pagpapawisan ka dahil ayan lang ang way para maging healthy at magka-muscle tayo.
Isa pang halimbawa, kung ang sweldo mo ay P20,000 - P50,000 kada buwan, pero laging sakto o kulang kasi sa daming binabayaran at wala kang naiipon kahit limang taon ka na sa work mo na yan,
wag ka mag reklamo kasi yun ang inyong napag kasunduan, sa halip kung gusto mo madagdagan, dapat magdagdag ka din ng pagkakakitaan, gumawa ka ng paraan para magkaroon ka ng extra income.
Sabi nga ni Henry Ford,
"If you always do what you've always done, you'll always get what you've always got."
Kaya kung meron kang gustong makuha, gumawa ka ng bagay na hindi mo pa nagagawa,
Tandaan,
You get what you tolerate!
So if you want CHANGE, you have to CHANGE.
Rooting for you! Never give up! See you at the Top! 🙏🏽☝️❤
Be inspired awakened & motivated. Follow us for more! 😉
IG: https://www.instagram.com/allenmarvineder
TikTok: https://www.tiktok.com/
Youtube: https://www.youtube.com/