13/05/2026
ππππππππ : Humingi ng paumanhin ang pulis na nambugbog sa kanyang live-in partner na nag-viral sa social media.
Ayon sa kanya, hindi niya umano alam kung paano niya nagawa ang insidente.
Gayunman, sinabi ni NAPOLCOM Ralph Calinisan na magpapatuloy pa rin ang kaso laban sa pulis.
Nahaharap na ito sa kasong kriminal na isinampa ng Philippine National Police, habang naghain naman ng kasong administratibo ang biktima sa NAPOLCOM.
Binigyang-diin ni Calinisan na hindi dapat tularan ang naturang pulis dahil isa umano itong masamang halimbawa sa hanay ng kapulisan. Aniya, hindi katanggap-tanggap na ang isang naka-uniporme ay sangkot sa pananakit ng kababaihan.
Nauna nang kinondena ng Malolos City Police Station ang insidente. Ayon sa himpilan, patuloy nilang pinapaalalahanan ang kanilang mga tauhan na igalang ang karapatang pantao, lalo na ang karapatan ng kababaihan.
Humarap din sa NAPOLCOM ang biktima, ngunit tumanggi itong magsalita sa publiko.
βοΈ π·πππππ ππππ, ππππππ, πππ
πππππ βοΈ