21/08/2025
Alam Mo Ba Kung Paano Masulit ang Dishwashing Liquid at Sponge?
Maraming tao ang naniniwala na mas maraming sabon, mas malinis. Pero ang totoo, may tamang paraan para makatipid at mas epektibo ang paghuhugas ng pinggan. Narito ang mga dapat tandaan para tipid at linis tips:
โธป
โ
1. Tamang Gamit ng Dishwashing Liquid at Sponge
โ Basain muna ang sponge bago lagyan ng sabon
โข Para mabilis bumula at pantay ang pagkakalat ng sabon.
โ Kaunting sabon lang ang kailangan
โข Isang patak na kasing laki ng piso ay sapat para sa maraming plato.
โข Huwag maglagay ng sabon sa bawat platoโmasasayang lang at mas mahirap banlawan.
โ Pigain para gumawa ng bula bago maghugas
โข Umpisahan sa baso at kubyertos bago ang kawaling puno ng mantika.
โข Huli ang madudulas para hindi agad mawalan ng bula ang sponge.
โ Maghanda ng maliit na palanggana ng tubig
โข Doon mo piga-pigain ang sponge para makabuo ulit ng bula, imbes na magdagdag ulit ng sabon.
โธป
โ
2. Pagtutubig Para Mas Maging Mabula
โ Basain muna ang sponge bago lagyan ng sabon para madaling bumula.
โ Pigain ng pigain para lumabas ang bula bago hugas.
โ Bakit kailangan ng tubig?
โข Ang bula ay galing sa paghahalo ng sabon + hangin + tubig. Kapag kulang sa tubig, mahirap bumula kahit maraming sabon.
โธป
โ
3. Mga Dapat Tandaan sa Sponge Care
โ Huwag i-dilute ang dishwashing liquid sa bote
โข Masisira ang formula at bababa ang bisa. Kung gusto mong mas tipid, magdagdag ng tubig sa sponge, hindi sa bote.
โ Bakit humihina ang bula kapag madulas ang sponge?
โข Dahil kinakain ng mantika ang bula, kaya parang wala nang sabon kahit meron pa.
โ Solusyon:
โข Hugasan muna ang malilinis na gamit (baso, kubyertos) bago lumipat sa kawaling puno ng mantika.
โข Kapag sobrang madulas na ang sponge, banlawan muna bago magpatuloy.
โ Palitan ang sponge kada 1โ2 linggo para iwas bacteria.
โ Patuyuin ang sponge pagkatapos gamitin
โข Banlawan at pigain, tapos ilagay sa lugar na may hangin para hindi pamugaran ng mikrobyo.
โธป
๐ Sa mga simpleng tips na ito, hindi lang mas magiging malinis ang mga plato moโmakakatipid ka pa sa dishwashing liquid at mas hygienic ang kusina mo!