27/05/2026
NAPAG BINTANGAN AKO NI MADAM
DAHIL SA BIGAY NI SIR NA MANOK👇
Tuwang-tuwa ako nung bigyan ako ni Sir ng giant leg part ng steamed chicken.
Sabi ko pa sa sarili ko, "Wow, ang laki naman ng share ko!
Ano kaya nakain ni Sir at naging ganito ka-generous ngayon?"
Feel na feel ko ang bawat kagat, sarap na sarap ako sa pagkain habang nasa kusina.
Biglang pumasok si Madam. Pagkakita sa akin, nanlaki ang mga mata niya na parang nakakita ng multo habang nginangatngat ko yung manok!
Sabi nya "Who gave you that?!"Natigilan ako sa pagnguya. Dahan-dahan kong nilunok ang ngatngat ko bago sumagot.
Sagot ko"Ah... Madam, Sir gave this to me.
"Biglang nag-walkout si Madam habang nagwawala
Talak nya "Sinasabi ko na nga ba may relasyon kayo! Matagal ko na napapansin 'yan, how generous Sir is to you!
"Narinig ni Sir ang sigawan kaya sumulpot din sa malapit sa kusina.
Sir: "Why? What happened?"
Hindi ko na matiis ang kuda ni Madam kaya lumabas na rin ako ng kusina para ipagtanggol ang dangal ko.
Pero bago pa ako makapagsalita, nag salita si sir,Why are you angry, Mommy?
You want to eat expired chicken also?! I don’t want to waste food, so even if it's expired, we eat the chicken... with helper.
Anak ng shokoy na may pakpak, Sir! 😩Imbis na ipagtanggol mo ang dangal ko sa selos ng asawa mo, inamin mo pang ginagawa mo akong human disposal ng mga panis mong pagkain sa ref?!
Idinamay mo pa talaga ako sa Expired Chicken Squad mo para lang makatipid ka! Nag-flashback sa utak ko lahat ng kagat ko kanina.
Kaya pala kakaiba ang lasa!
Dahil nalaman ni Madam na expired pala ang manok, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Ang leon, biglang naging pabebe.
Namilipit ang boses sa lambing."Ahhh dadeey! You should not eat that, you love me very much ahhhh!" sabay baling sa akin ng matatalim na mata. "Okay, let Cheche eat this all!"
At ang loka-loka, binitbit pa papunta sa akin ang iba pang parte ng natitirang expired na manok! Akala niya siguro maiiyak ako sa sulok habang kumakain ng panis.
Pero nagkakamali siya. Mabilis pa sa alas-kwatro ang kilos ko. Nilabas ko mula sa paper bag ang aking pinaka-iingatang selyadong take-out: ang isang buong, bagong luto,
at nagmamantikang Crispy Pata!Itinaas ko ang kamay ko na parang pulis na nagpapatigil ng trapik at buong gilas na sumagot:"
Opps! I don't eat expired! I have my own... food today."
Bumandera sa harap nila ang naputok at kumikinang na balat ng crispy pata.
Amoy bawang, amoy mamahaling mantika, at higit sa lahat—hindi expired!Napaatras si Madam. Nakita ko ang pagka-gulat at matinding inggit sa mga mata nilang mag-asawa habang nakatitig sa crispy pata ko.
Biglang humarap si Madam kay Sir, nakasimangot at parang maiiyak na sa inggit."Dadeey... why she eat very expensive?!" 🥺Ayun! Uwian na, may nanalo na! Akala ninyo ha. Akala niyo dukha ang Helper niyo, pero ang ulam ko, pang-fiesta, ang ulam niyo, pang-hospital!
-sender