26/10/2026
NAG-ABROAD KA HINDI DAHIL GUSTO MO LUMAYO, NAG-ABROAD KA KASI KAHIT COLLEGE GRAD KA, PANG-CREW LANG SAHOD MO
4 years ka nag-college.
4 years na baon mo P50 lang.
4 years na ulam mo itlog at noodles.
4 years na puyat ka sa thesis, iyak ka sa defense, gastos nanay mo sa toga.
Tapos graduate ka.
Picture kayo, may diploma, may medal.
Akala mo okay na.
Pag-apply mo:
"Anong course mo?"
"Education po."
"Ah, P16k lang starting, pero contractual ka muna ha, 6 months."
16k?
Yung pinsan mong undergrad na nag-abroad sa Dubai bilang waiter, 55k sahod plus tip plus libre tirahan.
Yung kaklase mong hindi tapos pero nasa Taiwan bilang factory worker, 40k buwan buwan.
Tapos ikaw? Degree holder? 16k? Minus tax, minus pamasahe, minus kaltas?
Magkano matitira? 8k?
8k para sa 4 years na pag-aaral ng nanay mo na halos ibenta na kalabaw para lang makatapos ka?
Nakakahiya diba?
Hindi ka nag-aral ng 4 years para maging P16k lang.
Hindi ka nagpuyat para sabihan na "mababa pa kasi experience mo."
Anong experience gusto nila? 10 years experience pero 23 years old ka pa lang?
Kalokohan.
Kaya ka nag-abroad.
Hindi dahil gusto mo talagang lumayo sa pamilya mo.
Kundi dahil dito sa Pinas, kahit may diploma ka, mukha ka pa ring walang kwenta sa mata ng kumpanya.
Dito, degree mo parang papel lang.
Sa abroad, degree mo plus sipag mo, may presyo.
Dito, kailangan mo pa mag-makaawa para sa P16k.
Dun, pag may degree ka, mas mataas tingin sayo, mas mataas sahod mo.
Kaya wag mong sisihin sarili mo.
Hindi nasayang pag-aaral mo.
Nasayang lang yung sistema na hindi marunong magbigay ng halaga sa pinag-aralan mo.
Yung galing mo, dapat dito sa Pinas napap**inabangan.
Yung talino mo, dapat dito sa Pilipinas umiikot.
Pero anong gagawin mo kung dito, barya lang tingin sayo?
Kaya lumipad ka.
Hindi para takasan Pilipinas.
Kundi para takasan yung sistema na kahit anong taas ng pangarap mo, hinihila ka pababa ng sahod na pang-crew lang.
At alam mo pinakamasakit?
Pag nasa abroad ka na, tsaka lang sasabihin ng mga tao dito, "ang galing mo naman."
Dati nung nandito ka, wala silang p**i.
Ngayon nasa abroad ka na, bigla kang hinahangaan.
Ganyan kabaliktad sistema natin.
Kaya kung college grad ka at nasa abroad ka ngayon dahil dito,
Hindi ka failure.
Matapang ka.
Kasi imbis na magtiis ka sa P16k na insulto sa pinag-aralan mo, pinili mong lumaban sa ibang bansa para makuha yung tamang halaga mo.
Hindi paglayo yun.
Pagkuha yun ng respeto na hindi maibigay sayo dito.