DAILY BREAD

DAILY BREAD Proverbs 16:4 – The LORD has made everything for its purpose, even the wicked for the day of trouble.

31/10/2024

Hindi hamak na mabuti ang harapang paninita, kaysa naman sa pag-ibig, ngunit ito’y lihim pala. May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan kaysa halik ng isang kaaway.

Mga Kawikaan 27:5–6

May mga sugat sa katawan natin na naghihilom nang kusa. Pero meron ding mga sugat na kahit maliit, kapag hindi nilinis at hindi pinansin, ay lumalala at lumalaki. Our struggles and conflicts with others are also like that.

Marami sa atin ang hindi confrontational pagdating sa relationship problems. Kinikimkim o tinitiis natin because we doubt if it will turn out OK when we talk to those who have offended us. Kung konting sama ng loob at hindi pagkakaintindihan lang naman, hindi na lang natin pinag-uusapan. The problem is that many undealt issues grow worse. Lumalala pa ang problema dahil may tendency na magpatong-patong at magkabit-kabit kapag hindi na-address sa una pa lang.

The Bible’s wise advice? Pag-usapan ang problema. Ask, explain, confront, rebuke, listen, and understand. There are risks but love should not be silent. If we are really concerned, communicate. Totoong may bagay naman na maaaring palagpasin. However, if forgiving is difficult, or if we think that it might happen again, then it must be dealt with.

Iba’t iba man ang ating mga sitwasyon, kung maaari ay huwag na nating patagalin ang mga hindi pagkakaunawaan at sama ng loob. Sa totoo lang, mas tumitibay ang pagmamahal kapag napag-uusapan ang mga problema sa isa’t isa. Relationships become more mature with every resolved conflict.

LET’S PRAY
Lord, help us to love others courageously by choosing to resolve our issues. Save us from our fears and doubts. Give us wisdom to speak the right words and to listen with our hearts.

APPLICATION
Let’s train ourselves in resolving conflicts. Mag-umpisa tayo sa maliliit na issues. May nasabi bang nakaka-offend ang kaibigan mo? Huwag kaagad siyang sisihin o sumbatan. Ask for a clarification and listen intently. Magpasalamat. Pagkatapos, sabihin mo kung paano mo ito naintindihan at kung ano ang iyong naging pakiramdam. Maging patient sa kung paano siya tutugon. Pray. Ang importante ay naging matapang kang magmahal.

29/10/2024

Lagi mong tandaan at ilaan para sa akin ang Araw ng Pamamahinga. Anim na araw kang magtatrabaho, at tapusin mo ang dapat gawin. Subalit ang ikapitong araw ay para kay Yahweh na iyong Diyos; ito ay Araw ng Pamamahinga.

Exodo 20:8-10a

Are you overworked? Do you spend more time sa opisina at umiikot lang ang buhay mo sa trabaho? Ang masama nito kung pati kalusugan mo naapektuhan na ng pagiging sobrang busy mo. Kinamusta mo na ba lately ang pamilya mo? Baka naman namimiss ka na nila.

Life is a balancing act kaya meron ngang tinatawag na work–life balance. And if there’s an imbalance, for sure may magiging problema. It might be relationships or your health. God designed our bodies to rest, and if our bodies don’t get much rest to recharge, makaka-sama ito sa atin. Some of us sacrifice even our rest days to work, which is not good for us. And we do it at the expense of our families and people who are important to us. If we continue to do this, we might end up suffering in the long term.

The word of God reminds us to have time for rest. It is time not only to rest our bodies but also time to spend with God. Nais ng Panginoong Diyos na magkaroon tayo ng oras para tayo makausap through His Word, the Bible. Gawin natin nang buong lakas ang trabaho, matapos nito magpahinga tayo, at pasalamatan, papurihan ang Diyos, at magbulay-bulay sa Kanyang Salita.

Kung puro trabaho ka kaibigan, magpahinga ka naman. Kung hindi ka madalas magpasalamat sa Panginoon, nararapat naman na siya ay palaging pasalamatan at papurihan. Balansehin natin — ‘yan ang sikreto sa matiwasay na buhay.

LET’S PRAY
Panginoon, salamat sa paalala na kailangan ng katawan ko ng pahinga at hindi ko ito dapat abusuhin. Nalimutan ko rin na dapat akong tumahimik at makinig sa Inyo. Buksan po Ninyo ang isip at puso ko habang nagbabasa ako ng Inyong Salita para mas lalo ko Kayong makilala.

APPLICATION
Kailan ba ‘yung last time na nagbakasyon ka at nakapagpahinga? Kung matagal na, pagplanuhan ito. Be sure to also spend time with God regularly.

27/10/2024

Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan. Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya’y tapat at matuwid.

1 Juan 1: 8–9

Madali lang ba para sa iyo ang umaamin sa kasalanan? Ah … eh … Mahirap, ‘di ba? Ganyan ang naramdaman ni Marlon noong dumating ang araw na nangungusap na ang Panginoon sa puso niya na mag-confess ng kanyang mga kasalanan. Mahigit dalawang dekada niyang dala-dala sa puso niya ang struggle at guilt dahil sa adiksyon sa po*******hy.

Bagama’t nakakilala sa Panginoon sa edad na labing-apat, nagpatuloy siya sa adiksyon kasabay ng lahat ng masasakit na pangyayari sa kanyang buhay. Sa kabila ng lahat, patuloy siyang inabot ng Panginoon. May kaibigan siyang nakilala, at ang taong iyon ang naging daan upang buong katapatan niyang aminin ang lahat ng malalalim na kasalanan niya. Humingi siya ng habag sa Panginoong Jesus, at siya’y nakaranas ng kapatawaran at kalayaan.

Sabi ni Marlon, “Natatakot ako talaga mag-confess noon, lalo na’t nakakahiya at baka ma-judge ako, pero noong nakapag-confess na ako, nakaramdam ako ng tunay na pag-asa kahit hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari sa buhay ko.”

In a generation where we find it hard to confess and label our sins, we can still find hope that Jesus’ love will never give up on us. Naranasan ng ating Panginoong Jesus ang paulit-ulit na paghagupit sa kanyang balat, ang pagbaon sa kanyang ulo ng koronang tinik, ang pagpasan ng mabigat na krus hanggang sa Siya ay ipako rito. Siya’y kusang-loob na nagpapako sa krus para tubusin tayo sa ating mga kasalanan.

It is finished. Anumang kasalanang aaminin natin ngayon sa Kanya, it has already been paid for at the cross. Ganyan tayo kamahal ng ating Panginoon.

LET’S PRAY
Panginoon, marami akong pinagdaanang masasakit at nakagawa ako ng mga kasalanan. Salamat dahil maaasahan ko ang Inyong kapatawaran sa aking kasalanan ngayong ipinapahayag ko ito. Palayain Ninyo ang aking puso at bigyan ng bagong simula. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION
Earnestly pray for an accountability partner, isang tao na mapagkakatiwalaan at puwede kang tulungan upang mas lumalim ang relationship mo sa Panginoon Jesus.

24/10/2024

Ang isang tao‘y maraming iniisip, maraming binabalak, ngunit ang kalooban din ni Yahweh ang siyang mananaig.

Mga Kawikaan 19:21

We all desire a good life. We make plans and we diligently chase after our goals. Some easily attain their aspirations while others seem to be chasing after the wind. Their dreams remain elusive.

Kung bigo kayo sa pag-abot ng inyong mga pangarap, maaaring hindi iyon kalooban ng Diyos. Meron Siyang higit na magandang plano para sa inyo. Ask God for wisdom and direction. James 1:5 (NKJV) states, “If any of you lacks wisdom, let him ask God, who gives generously to all without reproach, and it will be given him.”

Husband and wife Orly and Regie dreamt of a good life. Nagtungo sila ng Middle East at nagnegosyo ng walang kaukulang dokumento. They were enjoying the fulfillment of their dream until they were caught. Authorities closed their business and confiscated their equipment. With nowhere else to go and nothing else to do to earn a living, they prayed to God for wisdom and direction. They realized that running their business illegally did not please God. Kaya nagdesisyon ang mag-asawa na mamuhay nang matuwid. They restarted their business the legal way and God prospered it.

Our dreams of having a comfortable life, a successful career or business, and a happy family must be aligned with God’s plans and purposes. They must lead to authentic love for God and others, peace with one another, helping those in need, and bringing lost souls to His Kingdom.

All these constitute life’s greatest pursuit; it’s godliness that far outweighs difficulties in life. Sabi ng ni Apostle Paul sa 2 Mga Taga-Corinto 4:17, “Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas namin ngayon ay magbubunga ng kagalakang walang hanggan at walang katulad.”

LET’S PRAY
Panginoon, patawarin Ninyo po ako kung nakaligtaan ko Kayo sa aking mga pangarap. Salamat sa mga kabiguang naranasan ko na Inyong ginamit upang malaman ko ang maganda Ninyong plano sa aking buhay. Simula ngayon, lahat ng pangarap ko ay ayon na sa Inyong kalooban. Gabayan Ninyo po ako, Panginoon. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION
Application: Think about your life for a moment. What are your unfulfilled dreams? Are they in the center of God’s truth? I-align ang iyong mga pangarap sa kalooban ng Diyos.

23/10/2024

Ang tao ang nagbabalak, ngunit si Yahweh ang nagpapatupad.

Mga Kawikaan 16:9

Nangyari na ba sa inyo na you had your day planned from start to end pero when the day ends, ibang-iba ang nangyari? Katulad na lamang ni Lydia.

Maagang umalis si Lydia papuntang conference. She rode an earlier ferry kasi may online meeting na gusto niyang salihan bago ang official start ng conference. Pagdating niya sa venue, isang hotel, tumawag sa kanya ang kaibigan niya who was attending the same conference. They were both booked in the hotel. Masama ang pakiramdam ng friend niya kaya pinuntahan niya. Because her friend looked unwell, nag-decide si Lydia na dalhin siya agad sa ospital. Buti na lang, kasi inaatake na pala siya sa puso at kinailangan pa siyang i-airlift papunta sa ibang medical center. Naagapan dahil sa agarang pagpunta sa ospital.

Maagang nagpunta si Lydia thinking she would meet with some lady friends online and so they could know more about Jesus together through His word. Hindi man naka-attend ng online meeting si Lydia, na-experience naman niya ang faithfulness ng Panginoon that morning. Na-witness niya how the Lord overrides our plans, so His purposes prevail. Abot-langit ang pasasalamat niya na naligtas ang kanyang kaibigan sa kapahamakan, and she was where she was when her friend needed her.

Ready rin ba tayong magpagamit kay Lord katulad ni Lydia? Willing ba tayong i-give up ang ating schedule at mga plano para i-embrace ang schedule at plano Niya?

We may plan, but God’s plan will still prevail. Let us choose to trust Him each day. Please join us again tomorrow for the last part of our series “Change of Plans.” Kita-kits!

LET’S PRAY
Panginoon, Ikaw ang Dakilang Direktor ng aking buhay. You know where I need to be at all times. May mga oras na nagrereklamo ako kasi hindi nasusunod ang gusto ko. Thank You for being patient with me. Alam ko po na ang buhay ko ay sa Inyo, kaya have Your way with me, Lord Jesus. Amen.

APPLICATION
Get a blank piece of paper. Draw the outline of your foot. Isulat mo ang mga plano mo for this week and commit them to the Lord! In the space above the foot write, “Direct my steps, Lord.”

21/10/2024

Kung ang isa sa inyo’y nagbabalak na magtayo ng tore, hindi ba siya uupo muna upang magplano at kuwentahin kung magkano ang magagastos niya upang matiyak kung may sapat siyang pera para maipatapos ang kanyang ipapatayo?

Lucas 14:28

Sabi ni Benjamin Franklin, “If you fail to plan, you are planning to fail.” Kung walang plano sa buhay, saan kaya tayo makararating?

What if yung driver ng bus na sinasakyan mo ay mag-decide na go with flow muna siya? Ibig sabihin, wala siyang ruta na susundan kundi kung saan lang makarating ang bus niya. Matutuwa kaya ang mga pasahero niya? Siyempre hindi! Baka nga walang sumakay sa kanya dahil wala naman siyang malinaw na destinasyon.

Nung medyo bata-bata pa tayo, ang iba sa atin ay hindi talaga marunong magplano. Feeling siguro natin pang-matatanda lang ang paggawa ng 5-year or 10-year goals. Iniisip natin we should enjoy life while we are young. Sabi nga sa Ecclesiastes 3:1-8, there is a time for everything. May time mag-enjoy at may oras para magplano ng future natin. Pero hindi lang tayo ang affected if we fail to plan. Our decisions, or even indecisions, today will affect the lives of our families.

Si Lord nga nakalatag sa bawat araw ng creation kung ano ang Kanyang gagawin because our God is a God of order. Ayaw Niya ng magulo at walang direction. Ang nagpapagulo lang talaga sa mga buhay natin ay ang kawalan ng plano. Kung saan lang agusin ng tubig, doon tayo pupunta. Kung ano ang uso or marinig mo sa iba ay gagawin mo rin. Nakalimutan natin i-offer kay Lord ang mga gusto or plano natin sa buhay. Akala kasi natin kayang-kaya natin lahat. Hanggang sa lumaki na ang problema, dun lang tayo lalapit sa Kanya.

Mabuti na lang we have a God of second, third, and many chances. Kahit sa dami ng maling desisyon natin or kawalan ng plano, He is always ready to redirect us. The key is to listen to His voice.

Friend, kung feeling mo na huli na ang lahat para magplano sa buhay, hindi totoo yan. Buhay ang ating Diyos na magbibigay ng talino at kaliwanagan ng isip sa iyo. Hindi ka iiwan sa ere kundi sasamahan ka Niya hanggang marating ang magandang future mo.

LET’S PRAY
Lord, patawad po kung naging pabaya ako sa buhay. Inuna ko ang saya kaysa ang pagpapasya. Tulungan Mo po akong bumangon muli dahil alam ko kasama Kita sa bawat umagang dadating. Amen.

APPLICATION
Seek mentoring or coaching so they can help you create a life plan for you and your family.

21/10/2024

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Mga Taga-Filipos 4:6–7

Fifteen minutes ng umiiyak ang baby ni Grace. She doesn’t know what to do anymore. Her husband is out on a field work. Mag-isa niyang inaasikaso si baby habang nagta-trabaho bilang freelancer. She’s at her breaking point because of sleepless nights. Nagsisimula na rin siyang magtampo sa asawa dahil madalas itong wala. Frustrated, she knelt and prayed to God. After that, kumatok ang kanyang mother-in-law and offered to help her. Nahihiya man siya dahil ayaw niyang maging abala, she accepted the offer. She was able to recharge after sleeping and realized that she was just tired after all.

Mothers are a gift from God. They are there for their families 24/7. They manage the finances and household chores and make sure that their family members are well taken care of. But there are times na nalilimutan nila ang salitang “pahinga.” Kung minsan din, nalilimutan nilang humingi ng tulong because they thought that they could do everything on their own. When mothers become self-reliant all the time, they put themselves at a risk of burnout. Why? Because mothers are humans, too. Napapagod at nalulungkot din sila.

When a mother kneels in prayer and lays every burden before the Lord, she will find rest in Him (Mateo 11:28–29). Prayer is an expression of dependence to God. Hindi natin mare-realize na kailangan natin si Jesus kung lagi tayong malakas. It is through humility and trust in Him that super moms are born dahil palalakasin Niya tayo to face a new day with confidence.

To all the moms out there, your ‘me’ time is also an expression of your dependence to God. So, don’t be guilty. Give yourselves a break. God is in control.

LET’S PRAY
Dear Jesus, I pray for my mother and all the mothers out there who are in need of rest. Tulungan Mo po silang magtiwala sa Iyo ng buong-buo. Help me, as well, to be a blessing to them. Thank You, Lord.

APPLICATION
Mothers, you can engage in restful activities like exercising, reading books, and simply taking a nap. Fathers and children, you can give your wives/mothers a break by simply doing some of the household chores.

28/08/2024

Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, maingat sa pagsasalita at hindi agad nagagalit. Dahil ang galit ng tao ay hindi nakakatulong upang magawa kung ano ang ayon sa kalooban ng Diyos.

Santiago 1:19–20

Usong-uso ngayon ang pangalang, “Marites.” Marites, ano ang latest?

May bagong dagdag! At iyon ay “Marilet!” Mare, bakit ka laging galit?

The letter of James was written to believers in Christ. The writer reminds us that genuine faith should result in good works. One good work is communicating well with our brothers and sisters. How do we do this?

Una, maging alisto sa pakikinig. Hearing is not the same as listening. When we hear, we use our ears only. But when we listen, we use our five senses, plus our minds and hearts. We seek to understand than to be understood.

Pangalawa, maging maingat sa pananalita. Huwag padalos-dalos. Mas mabilis dapat ang tainga kaysa bibig. Pero kadalasan, hindi makapaghintay ang bibig. Hindi pa nga natatapos magsalita ang kausap, may sagot na tayo.

Warning! Mahirap maging maingat sa pananalita kung tayo ay galit. Anger is a natural feeling. There are good reasons to be angry. Even Jesus got angry. Sa sobrang galit nya, pinagtataob niya ang mga mesa ng mga taong ginagamit ang templo upang pagkakitaan ng pera ang mga mahihirap (Mateo 21:12–14).

On the other hand, James is referring to anger that stems from bitterness. Kadalasan, ang taong madaling magalit ay masama ang loob. Kaya konting kilos or salita lamang ay para siyang dinamita na sinindihan at sumasabog. Ito ay maling galit dahil hindi natin magagawa ang kagustuhan ng Diyos sa buhay natin kung tayo ay Marilet. Ito ang isang dahilan kung bakit we talk more, and we listen less. It’s about time that we listen more and talk less.

LET’S PRAY
Panginoon, madalas ay hindi ako nakikinig at agad-agad na nagbibitiw ng salita kaya nakasasakit ako ng kapwa at nagbubunga ito ng hindi magandang relasyon. Teach me, Holy Spirit, to be humble and to search myself if there is any bitterness in my heart. Salamat, Panginoon, sa Inyong pagpapatawad.

APPLICATION
Application: Are you about to engage in a difficult conversation? Practice active listening. Pay attention to what the other person is saying. Avoid thinking how you will respond while he or she is talking. Instead, pause after you heard him. Think of the right words to say. Ask yourself: Is it true? Will it be good for her? Will my words glorify God?

25/08/2024

Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at upang mag-alay ng kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami.

Marcos 10:45

Every last Monday of August is National Heroes’ Day in the Philippines. It has been declared a holiday so Filipinos could take the time to honor the heroes of the revolution.

Our national heroes died for a great cause — to liberate our people from Spain’s colonial rule for more than 300 years. Today, let us take the time to thank God for our heroes who sacrificed their lives for a great cause. As we do that, may we also remember that there is Someone who spent His life and willingly gave it up for an even greater cause. May isang nag-alay ng Kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami.

Jesus Christ, the only Son of God made the ultimate sacrifice of dying on a cross in Calvary. The crucifixion was considered one of the most brutal and shameful modes of death. It was made public to expose the half-naked criminal and torture him to a slow and humiliating death.

But Jesus was not a criminal. His dying on the cross was a deliberate act. Unlike our heroes who fought the Spaniards with all their might before they were killed on the spot, or captured and imprisoned and later executed, Jesus did not retaliate against His enemies. He knew that His death was part of a grand plan to save sinners from eternal damnation and bring them back to God (1 Peter 3:18). It was a mission propelled by God’s incredible love for the world (John 3:16).

Friend, you and I — and the rest of the world — are the greatest cause that brought Jesus to the cross. All of us need to be ransomed from the grip of sin in our lives. Only Jesus can save us. Will you let Him be your Savior today? Let us pray:

LET’S PRAY
Dear Jesus, please forgive me for my sins. Thank You for ransoming me, washing away my sins, and granting me the freedom to follow You for the rest of my life. Amen.

APPLICATION
What concrete changes in your lifestyle do you need to make so that you can follow Jesus each and every day?

21/07/2024

Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap.

Juan 10:10

Naramdaman mo na ba ‘yung ang saya-saya ng araw mo kasi may blessings ka at sinagot na ni Lord ang matagal mo nang pinapag-pray? Nag-post ka pa social media to share your joy and gratitude to the Lord. And then, in a snap, you read a negative comment, at hindi mo maiwasang maapektuhan dahil parang valid ang point niya. Some people may tell you huwag mo nang pansinin iyon, just focus on your blessing. But deep inside there’s a growing seed of doubt and fear in your heart.

Kung sa mga teleserye may kontrabida, in real life, meron din. May kaaway tayo na gustong manira ng ating buhay. Sabi sa Ephesians 6:12, may kadilimang umiiral sa sanlibutan, at ito ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan. Pero bago ka pa mabalisa, be reminded that we have a victorious Lord and Savior Jesus Christ. He has overcome the world, and rest assured that we can have peace kahit may gustong mang-agaw ng eksena.

Paano ba dapat harapin kapag sinusubukan nakawin ng kaaway ang joy sa puso natin?

Una, trust God and pray. The best way to combat the enemy’s attack is to be reminded of the Lord’s victorious character. Pray and trust the Holy Spirit to guide you in all truth. Pakatandaan mo, anuman ang magandang inumpisahan ni Lord sa buhay mo ay tiyak na tatapusin Niya.

Pangalawa, be courageous. Manindigan ka at mahigpit mong panghawakan ang pangako ni Lord sa iyo. At higit sa lahat, itaboy mo ang kaaway sa pangalan ni Jesus! Huwag kang maniwala sa boses niya. Treat the enemy’s attack as an opportunity to validate God’s power over your life and His promises to you.

LET’S PRAY
Lord Jesus, maraming salamat na Ikaw ay dumating upang kami ay maligtas at magkaroon ng buhay na masagana at ganap. Nagtitiwala ako Sa Iyo at hindi ako naniniwala sa kasinungalingan ng kaaway.

APPLICATION
Reclaim your joy. Open some photo albums and recount all the good things God has done in your life and family.


Welcome back to our series “Love in Action”. Mga misis, mga mister, here’s one devo you shouldn’t miss.Ang mabuting mayb...
12/02/2024

Welcome back to our series “Love in Action”. Mga misis, mga mister, here’s one devo you shouldn’t miss.

Ang mabuting maybahay ay isang kayamanan; siya’y pagpapala na si Yahweh lang ang may bigay.

Mga Kawikaan 18:22

Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya. Mga Taga-Efeso 5:25

Misis, pagod ka na ba kay Mister dahil sa kanyang mga bisyo at pagiging iresponsable? Has he stopped giving you flowers or opening the door for you? Eh, ikaw Mister, pagod ka na rin ba kay Misis dahil walang tigil ang nagging niya sa iyo lalo na pag kulang na ang budget? Hindi na ba siya nagpapa-beauty para sa iyo at hindi ka na niya inaasikaso? Alam ninyo ‘yung you wake up one morning and realize you stopped loving and respecting each other?

Wait lang! Before things get worse and you drift apart, tingnan muna natin ang sinasabi sa Bible tungkol sa asawa. Proverbs 18:22 (CEV) says, “A man’s greatest treasure is his wife — she is a gift from the Lord.” On the other hand, God commands the husband to “love his wife as much as Christ loved the church and gave his life for it” (Ephesians 5:25, CEV). God has called and empowered the husband to love his wife. Ang asawa mo pala ay regalo ni Lord sa iyo! Siguro naitatanong mo, “Eh Lord, bakit naman ganito ang regalong ibinigay Ninyo sa akin?”

Parang may halong pagrereklamo ang tanong, pero at least you acknowledge that your spouse is God’s gift to you. Malaking tulong pag positive ang pananaw mo sa asawa mo. Hindi siya burden kundi isang regalo na tine-treasure; hindi tinatapon lalo na’t si Lord, who gives only the best gifts, ang may bigay.

Our spouse is a gift from the Lord, kaya mahalin natin sila with the love of the Lord. Join us again tomorrow for the last part of our series “Love in Action”.

LET’S PRAY
Dear Lord, sorry po. Nakalimutan ko na si (your spouse’s name) ay regalo Mo sa akin. I don’t know how to handle your “gift” because we have been hurting each other. Please help me to see my spouse through Your eyes of unconditional love. Please heal us and restore our relationship. I pray this in Jesus’ name. Amen.

APPLICATION
Ask the Holy Spirit to give you the grace to treat your spouse as a treasured gift. Kapag naiinis ka, talk to him in a nice and encouraging way so that your spouse will also see you as God’s gift to him/her.

Naalala n’yo ba ang kantang “Love on a Two-Way Street”? Don’t worry, hindi ako kakanta ngayon. But today’s devotion carr...
12/02/2024

Naalala n’yo ba ang kantang “Love on a Two-Way Street”? Don’t worry, hindi ako kakanta ngayon. But today’s devotion carries the same title. So simulan na natin.

Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat … Mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikagagalit ng inyong mga anak.

Mga Taga-Efeso 6:1, 4

Nasira ang relationship ni Charles with his daughter nang hindi niya ito pinayagang mag-travel around the world for a year pagkatapos grumaduate from high school. Lumayas ito at hanggang ngayon hindi pa ito bumabalik sa kanila. Nagtaka naman si Pol nang marinig ang biyenan na pinipintasan ang kanyang mga anak sa kausap nito. Alam niyang kasinungalingan ang sinasabi ng biyenan.

We are all on this crazy cycle of love-hate family relationships and we don’t know how to stop! Pabata ng pabata ang mga pasaway na mga anak at mukhang pagod at kulang naman sa oras si Mommy at Daddy to be around to guide them. We have less meaningful moments together, kahit pa gutom na gutom tayo sa pagmamahal. As a result, we end up punishing each other with impossible expectations and impenetrable emotional walls.

Totoong we all need and want love. Pero ang pagbibigay ng pagmamahal ay parang isang two-way street — it goes both ways! Magulang man o anak, we should be committed to each other’s well-being, ang magbigay-halaga sa isa’t isa in good times and in bad times. We shouldn’t withhold love when strained moments come. Instead, let’s be intentional in making things right in our relationships — listening to advice, respecting one another rather than provoking one another, admitting our faults, and asking for forgiveness. That’s love!

Bukas, ang devotion naman natin ay patungkol sa mga mag-asawa. Kaya abangan n’yo ‘yan bukas sa pagpapatuloy ng ating series na “Love in Action”.

LET’S PRAY
Panginoon, sorry for not understanding and embracing my responsibility as a member of our family. Turuan Mo ako how to give and receive love, knowing that I expect the same.

APPLICATION
Mayroon ka bang sama ng loob o galit sa iyong magulang o anak? Reflect kung paano mo kakausapin ito para maayos ang inyong problema at humingi o magbigay ng kapatawaran in order to move forward to a better relationship. Remember to ask God for His wisdom.

Address

Puerto Princesa

Telephone

+639752675110

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DAILY BREAD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category