13/10/2026
one of my poem nung sumasali pa ko sa journalism wayback HS
Ama,kahit limos lamang
Mula pagkabata ay hindi ko nadama
Kusang pagibig na kaloob mo ama
Mahirap tanggaping ako'y walang halaga
Paggalang sayo ang aking inuuna
Sa aking paglaki't pagkamulat ng isip
Paghihirap ng loob ang siyang kalakip
Kailanman ang sarili ay hindi ipinilit
Kahit na mahirap at sa puso'y may sakit
Mahirap bang mahalin ang tulad ko ama
Ako ba'y bunga lang ng pagkakamali nio ni ina
Ginawa ko naman lahat ng aking makakaya
Upang tiwala't pagmamahal mo ay aking makuha
O Panginoong Diyos sa paskong darating
Ang aking dalangin at ang tangi kong hiling
Na sana si ama ay matutunan akong mahalin
Kahit limos lamang sapat na sa akin