17/03/2026
😩
P2 DAGDAG-PRESYO SA BIGAS
Tumaas ng mahigit dalawang piso kada kilo ang presyo ng bigas sa ilang pamilihan.
Dahil ito sa sunod-sunod na dagdag-presyo sa langis bunsod ng lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan.
Ayon sa Department of Agriculture, direktang apektado ng pagtaas ng presyo ng krudo ang sektor ng agrikultura dahil gumagamit ng langis sa pag-aani, proseso at pagbiyahe ng mga agricultural product.
Marami rin umanong mga negosyante ang naglimita ng biyahe dahil sa mataas na presyo ng krudo.
Dagdag pa ng mga retailer, nakakaapekto rin sa presyo ng bigas ang pagmahal ng farmgate price ng palay, na umabot na umano sa hanggang P30 kada kilo sa mga nakalipas na buwan.
Sa panayam ng DZXL News, pinababantayan ni Federation of Free Farmers Cooperatives, Inc. National Manager Raul Montemayor ang mga trader sa posibleng pagsasamantala sa sitwasyon.
Naniniwala rin ang grupo na may posibleng hoarding kung saan itinatago ng mga trader ang kanilang mga stock at ilalabas kapag mahal na ang presyuhan. | RMN Manila