22/03/2026
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1414873450446091
PAALALA SA MGA MAY TINDAHAN O CONVENIENCE STORE!
Sa ekslusibong panayam ng BChannel News kay PMAJ El Cid Villanueva ng Talisay Municipal Police Station, lumabas na umabot sa P50,000 halaga ng pekeng pera ang naipakalat ng mga suspek sa loob lamang ng isang araw, gamit ang peke na tig-P1,000 bills.
Tinatayang mahigit tatlong taon na umano nilang ginagawa ang modus, kung saan nakakapaglabas sila ng P30,000 hanggang P50,000 na pekeng pera kada araw sa iba’t ibang lugar sa Batangas, kabilang ang Talisay, Tanauan City, at Sto. Tomas City.
Nabatid din na binibili lamang ng mga suspek ang pekeng P1,000 bill sa halagang P125 hanggang P150 kada piraso, na may kasamang ilang security features ng lumang pera, dahilan para madali itong maipasa sa mga establisyemento.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang mga pekeng pera, grocery items na pinaniniwalaang binili gamit ang fake bills, at cash na hinihinalang galing sa kanilang panlilinlang.
Lumabas din sa imbestigasyon na ibinebenta pa umano nila ang mga nabiling produkto sa Taguig, kaya’t doble ang kanilang kinikita sa modus.
Panoorin ang detalye sa comment.