28/07/2026
Ngayong July 28, 2026, matagumpay na isinagawa ang Blessing & Relaunching ng SIDC One Stop Shop Jamindan, na hudyat ng panibagong simula sa pagbibigay ng mas pinalakas na serbisyo sa ating mga miyembro at mamimili.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng mahalagang okasyong ito. Ang inyong suporta ang nagbibigay inspirasyon sa amin upang patuloy na maghatid ng serbisyong may kalidad at malasakit.
Taos puso rin naming binabati ang bagong franchisee ng SIDC One Stop Shop Jamindan, Mr. Rodulfo Cusay. Nawa'y maging masagana at matagumpay ang inyong bagong yugto kasama ang SIDC. Hangad namin ang patuloy na paglago ng inyong negosyo at ang mas marami pang pagkakataong makapaglingkod sa komunidad.
Sa mga nais na maging kasapi ng SIDC magtungo lang sa pinakamalapit na SIDC Branch sa inyong area at maging kabahagi ng pinakamalaking Agri Based Cooperative ng bansa. At tumangkilik ng mga produkto at serbisyo nito, dahil sa bawat pagtangkalik mo sa KITA, IKAW ay KAHATI.
๐ท๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐ข๐๐ ๐ข๐๐๐ก ๐ก๐ ๐ท๐๐ก๐ ๐๐๐๐ฃ๐๐๐ฆ ๐ด๐๐ก, ๐กโ๐๐ ๐๐๐ ๐ก โ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ก ๐๐ ๐กโ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐ก ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐ข๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ฆ.