28/12/2016
" Halaga ng Pagmamahal "
Lahat ng love story may iba't ibang kwento
Na sasayo kung pano ka nakokontento
Sa mga bagay na pinag samahan niyo
Na hanggang sa dulo pinaniniwalaan mo
At di rin naman lahat ng story ay happy ending
Yung iba kase nagkulang kaya nag pending
Yung iba naman uumaasa sa walang kabuluhan pag papantasya
At yung iba naman ay nakukuha pang mag pa asa
Sabagay ganyan talaga ang buhay minsan kailangang sumugal
Para malaman natin kung ikaw ba'y tatagal
Sa isang daloy ng pagmamamahal
Na parang isang pagong sa sobrang bagal
Mabagal dahil kailangan munang iproseso
Kung ayaw mong masaktan ng husto
Sa mga madaliang di mo magugusto
Sino nga bang gustong matuso
Diba wala , wala sa atin ang gustong maloko
Wala di naman kaseng manloloko kung di ka nagbigay ng motibo
Minsan ikaw din kase may kasalanan
Sa mga bagay , bagay na iyong nararanasan
Kung dika nag madali edi sana natututo Siya
Na hindi lahat ng babae ay nakukuha Niya
Minsan pagiging Dalagang Pilipino isa puso
Para hindi ka agad ma uto at mapaso
Kailangan niya munang dumanak ng Santong dasalan
Bago ka makuha at ma goyo sa Santong Paspasan
Wag kang maniwala pag minamadali ka Niya
Dahil ikaw din naman kase ang magiging kawawa
Kung pipiliin mo yang pusong mapag bigay
Siguradong sigurado ika'y mapapa alay
Kaya nga nasa taas ng ulo ang utak
Para dahil siya ang masusunod at tatak
Sa mga desisyong kailangan isabak
Kung ayaw mong bandang huli ika'y umiyak
Kaya kung ako sainyo utak ang pairalin niyo
Hindi yang uligagang puso mo
Di porket na gwapo siya magpapadala kana
Para sabihin ko sayo aanhin mo gwapo kung sasaktan ka naman
Hindi naman kagwapuhan mamamahalin mo diba
Kundi yang pag uugali niya ang dapat mong tignan
Kaya mga Bes pinapaalala ko sainyo
Kung mahal ka talaga niya maghihintay talaga siya sayo
Kahit umabot payan ng ilang dekada sa pagtitiyaga sayo
Mag hihintay at maghihintay ang lalaking tunay na mag mamahal sayo
Kaya bes wag mong ikumpara ang love story mo
Dahil ang Diyos ay may itinakda na nararapat sayo
Hindi nga lang katulad ng mga nababasa mo
Ngunit alam kong mas best pa sa taong nanloko sayo .