09/05/2026
Hindi naman hinihingi ng Diyos na maging perpekto tayo. Ang mahalaga, marunong tayong magpakumbaba at umamin sa Kanya kapag tayo’y nagkakamali. Lahat tayo may kasalanan at kahinaan, pero kapag marunong kang lumapit sa Diyos nang may totoong pagsisisi at malinis na puso, mas gumagaan ang pakiramdam at mas nagiging payapa ang buhay.
Minsan kasi, habang masyado tayong mataas ang pride, mas lalo tayong napapalayo sa biyaya at gabay ng Panginoon. Pero kapag natuto tayong magpakumbaba, humingi ng tawad, at itama ang ating pagkakamali, doon mas nararamdaman ang tunay na pagbabago sa buhay. Hindi man agad mawawala ang problema, pero magkakaroon ka ng lakas, proteksyon, at kapanatagan na hindi kayang ibigay ng mundo.
Kaya habang may oras pa, piliin nating maging mabuti, mapagkumbaba, at laging lumapit sa Diyos. Dahil ang pusong marunong magsisi at magtiwala sa Kanya ay pusong mas lalong pinagpapala.
(SM) Sirch Motivation & Sano Messages 💪👍😊
Chris Manatad TV
Chris ManatadTv