18/09/2026
Baw Ari naman!! Haaayyyst kaa delikaado na gid sunong
3 PATAY, 8 SUGATAN SA PAMAMARIL SA BANGA, SOUTH COTABATO
[UPDATED] BREAKING: Tatlo na ang kumpirmadong nasawi, habang walong iba pa ang sugatan matapos ang pamamaril sa loob ng Banga National High School sa Barangay Benitez, Banga, South Cotabato nitong Biyernes ng hapon, 18 September.
Naganap ang pamamaril dakong alas-1 ng hapon. Ayon kay Banga Mayor Albert Palencia, kabilang sa mga nasugatan ang mga estudyanteng edad 14 hanggang 17, at apat umano sa kanila ang nasa kritikal na kondisyon.
Bago ang insidente, sinabi umano ng Grade 9 student na suspek sa ilang kaklase nito na umuwi na sila dahil isasagawa niya ang kanyang plano matapos ang tanghalian.
Ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla, kabilang sa mga nasawi ang gunman.
Dinala ang mga nasugatan sa mga ospital, kabilang ang South Cotabato Provincial Hospital at Dantom Doctors Hospital para sa agarang atensyong medikal.
Kasunod ng insidente, sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa buong bayan ng Banga at Surallah.
Samantala, sinabi ng Department of Education (DepEd) na nakikipag-ugnayan ito sa mga lokal na awtoridad at magbibigay ng psychological first aid at mental health at psychosocial support sa mga apektado. Hinikayat din ng ahensya ang publiko na huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon o mga video kaugnay ng insidente.
Nanawagan naman si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. sa mga gun owner na tiyaking ligtas at hindi naaabot ng mga menor de edad ang kanilang mga baril.
PHILIPPINES WATCH | 18 September 2026