11/10/2024
bumisita kami Ng pamilya ko sa province sa Lugar Ng Lolo at Lola ko. Malapit na kasing mamatay Ang aking Lolo kaya bumisita kami sa kanila. Nung Minsan nagtitipon Ang buong pamilya namin sa sala habang SI Lolo na sa higaan nakaratay na. Nag uusap Ang mga magulang namin sinabihan kami na huwag na huwag daw kaming lalapit kung tatawagin kami Ng Lolo namin or wag daw naming tanggapin kung may ibibigay sya. Baka daw ipasa daw samin Ang pag ka asw*ng . Minsang umalis mga magulang ko para mamalengke at Ako lang Ang naiwan sa Bahay at Ang Lolo para bantayan ko daw. Maya2 nagsalita Ang Lolo ko. Tinatawag nya Ang pangalan ko. Hindi sana Ako lalapit kasi natatakot Ako. E Hindi ko matiis kasi baka hihingi lang sya Ng tubig. Habang papalapit Ako may nakita akong hawak2 nya na nakabalot. Natatakot na talaga Ako sabay Pinalapit nya Ako, lumapit naman Ako tas may binulong sya sakin " apo Kunin mo ito dati ko pa ito tinatago, tansan Ng beer nanalo Ako Ng 1million ipapalit mo sa kumpanya pamana ko sa inyo "