01/09/2024
HUWAG MONG GAGAWIN ITO SA IYONG MGA MAGULANG๐ข๐ญ:
May isang kwento tungkol sa isang Ama. Maagang namatay yung misis nya at naiwan yung dalawa nilang anak na siya lang ang nagtatrabaho at nagtataguyod sa kanila. Kahit na mahirap, nagpursige itong Ama.
Naghanap ng dalawang trabaho. Ginawa nyang umaga ang gabiโฆ ang gabi, umagaโฆ para lang magkaroon ng pera matustusan ang matrikula at mabigay ang pangangailangan nitong dalawang anak niya.
At dahil sa kanyang pagod at pagsusumikap, napatapos niya itong dalawa niyang anak. Yung isa naging abogado, yung isa naging businessman. At naging very successful sila sa kanilang bayan. Hanggang dumating ang oras at panahon na itong kanilang Ama ay tumanda, nagkaroon ng sakit, nangangailangan na siya ay palaging naka wheelchair, kailangan nilang palitan ang kanyang diaper, kailangan nilang subuan kapag siya ay kumakain.
Para hindi mahirapan itong dalawang magkapatid, nag-usap sila na ilipat yung matanda one month dito sa isang kapatid at one month din sa isa pang kapatid. Pero napakahirap na nag-aalaga ng matandang may sakit. Nangangailangan ng oras, nangangailangan ng atensyon, at nagrereklamo yung kanilang mga pamilya dahil bukod sa pagod na pagod sila sa pag-aalaga, nangangamoy yung matanda. At kapag siya ay kumakain, natatapon ang pagkain. Nangangalat siya sa bahay. At para sa pamilya nila, isa siyang pabigat.
Dahil very successful, napaka-busy ng dalawang magkapatid, nararamdaman na rin nila yung pagod, pag-aalaga, at pag-aaruga sa kanilang ama. Kapag nagkakasakit, kailangan nilang dalhin sa ospital. Dahil sa kanyang sakit, kailangan nilang bumili ng mga gamot. Nagiging magastos na ang kanilang Ama. Kaya nag-usap sila. Sabi nila, dalhin nalang natin sa home for the aged. Kasi nakakapagod na. Hindi na natin kaya ito.
Kaya isang araw, sinabihan nila ang Ama nila: โTay, may pupuntahan tayo.โ
Hindi kumibo, sinakay nila at hindi nila sinasabi na siya ay dadalhin na sa home for the aged. Iiwan na doon. Sa biyahe walang imik. Tahimik. At noong malapit na sa home for the aged, nakakita daw itong matanda. Isang tulay. At sinabi niya sa kanyang mga anak, โNak, itigil niyo yung sasakyan.โ
โBakit, Pa?โ, sabi nila. โNagmamadali tayo eh. Meron tayong pupuntahan.โ, dagdag pa nila.
Sumagot yung matanda, โMga anak, itigil niyo sandali.โ
Tinigil nila ang sasakyan. At sabi ng matanda, โIbaba niyo ako.โ
Nagmamadali yung dalawa pero nagagalit yung matanda. Sabi niya, โIbaba ninyo ako!โ
Walang magawa, binuksan nila ang pintuan at ibinaba nila yung matanda. Naka-wheelchair. At sabi ng kanilang Ama, โItapon niyo na ako. Itapon niyo na ako sa ilog.โ
โBakit?โ, sabi nila.
โAkala niyo hindi ko alam. Pero alam ko iiwan niyo na ako sa home for the aged. Kasi nagiging pabigat ako sa inyo. Itapon niyo nalang ako. Patayin niyo nalang ako. Kasi walang ibang pinakamasakit na karanasan kung hindi yung iwan ka. Yung kalimutan ka. At yung pabayaan ka! Kaya kung iiwan niyo lang ako, kung papabayaan niyo lang ako, kung kakalimutan niyo lang ako, itapon niyo nalang ako. Patayin niyo nalang ako. Kasi ako ginawa ko ang lahat para sa inyo. Hindi ko kayo kinalimutan. Hindi ko kayo pinabayaan. Pero kung ito lang ang gagawin niyo sa akin, mas maganda nang pumanaw na ako. Para tumahimik na ang aking buhay.โ, sabi ng matanda.
At itong dalawang magkapatid ay umiiyak.
โ Hango sa kwento ni FR. Jowel Gatus
Oo nga, hindi ba? Wala nang ibang pinakamasakit na karanasan sa buhay natin kung hindi yung iiwanan ka. Pabayaan ka. At kalimutan ka. Sa kwento ng Ama na buong pusong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga anak, ramdam natin ang sakripisyong walang kapantay. Pero sa huli, siya'y iniwan at itinuring na pabigat. Sadyang masakit ang magawa mong lahat para sa mga mahal mo sa buhay, ngunit sa iyong pagdadalaga o pagtanda, sila'y tila lumimot. Ang kwentong ito ay paalala sa atin na ang tunay na pagmamahal ay hindi lang nasusukat sa mga oras ng tagumpay, kundi lalo na sa mga oras ng pangangailangan. Sanaโy huwag nating hayaang ang ating mga magulang ay maranasan ang sakit ng pagkakalimot at pagpapabaya.