24/07/2025
: Weather Update as of July 24, 2025, 5:00 AM
Ayon sa DOST-PAGASA, nakataas na ang Signal No. 3 sa kanlurang bahagi ng La Union, kabilang ang mga bayan ng Luna, Balaoan, Bacnotan, San Juan, Lungsod ng San Fernando, Bauang, at Caba. Samantala, Signal No. 2 naman ang umiiral sa natitirang bahagi ng lalawigan.
Patuloy na pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat at maging alerto sa panahong ito.
Para sa anumang emergency, tumawag lamang sa 911 o sa inyong mga lokal na hotline.