28/10/2026
Zero waste at circular economy? Ano yun? 🤔 Ang idea ay sulitin natin ang resources natin for as long as possible. Hindi agad tinatapon ang gamit. Instead, nire-reuse, nire-repair, nire-recycle, or nire-repurpose para mas mapakonti ang basura at mas sulit ang resources.
𝗥𝗲𝘂𝘀𝗲 muna ang focus ng ating mga re_haven hubs dito sa Baguio. Imbes na sachets at single-use plastics, mabibili ang mga kailangan sa bahay (katulad ng dishwashing liquid, laundry detergent, cooking oil, soy, at white vinegar) sa 𝗺𝗮𝗹𝗶𝗻𝗶𝘀, 𝗺𝗮𝘁𝗶𝗯𝗮𝘆, 𝗮𝘁 𝗿𝗲𝘂𝘀𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗻𝗮 𝗹𝗮𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻.
Binabalik ang mga lagayang ito sa re_haven hubs, at kami na ang bahalang maglinis at & magre-refill ng mga ito. May discount ka pang makukuha sa susunod mong bibilhin with each returned container!
Kaya ano pang hinihintay natin? Sama-sama na tayong magsimulang mag-𝘙𝘌𝘜𝘚𝘌 para sa mas ma-𝘈𝘠𝘜𝘚 na Baguio!
Credits to for the original post idea
♻️