12/05/2026
‘HUWAG MAGING BALAT-SIBUYAS’
Ito ang pahayag ni Sen. Kiko Pangilinan kaugnay sa umano'y planong paghahain ng ethics complaint laban sa kaniya ni Sen. Robin Padilla.
Kasunod ito ng naging tensyon sa pagitan nilang dalawa sa sesyon ng Senado kung saan inireklamo ni Padilla ang senador dahil sinigawan umano siya nito.
“‘Yung pagtataas ng boses sa mainit na debate... hindi man kagustuhan, ay hindi naiiwasan at malimit na nangyayari sa plenaryo. Kung laban sa ethics ‘yun, marami na sanang mga senador ang sinampahan at pinarusahan,” saad ni Pangilinan sa isang post.
Dagdag ni Pangilinan, sasagutin niya ng kontra-reklamo sa Ethics Committee ang paglabag ni Padilla sa parliamentary rules at pagiging out of order, maging ang kawalan ng proper decorum at pananakot sa kaniya sa plenary session habang naka-recess.